Ilang linggo na lang ay Christmas season na!
Siyempre, alam natin na kasabay ng holiday season ay ang pag-asikaso natin sa pagbili ng regalo.
Sa pagreregalo, ito ang dapat gawin: Imbes na magbigay ng material gifts, give meaningful gifts.
What do I mean by this?
Gift loved ones with time and presence
Instead na pumunta tayo sa mall at sa tiangge para bumili ng regalo, you can choose to gift your family and friends by giving them your time and presence.
Errands and chores as gift
For example, may friend or kamag-anak ka na may anak at hindi na sila nakakapag-quality time together, you can volunteer to take care of their child or children for a day so that they can have quality time together as a couple.
You can also do errands or do favors for them as gift. Isabay mo na ito sa routinary chores mo for the day. Puwede mo silang ipaglaba, ipaghugas ng pinggan, tumulong sa genral cleaning o pagkukumpuni ng garden.
Giving your time is thoughtful
Mataas na kaya ang labor cost ngayon. So, ang pagbibigay ng regalo sa ganitong paraan ay siguradong mataas din ang value. May kasama pa itong TLC o tinatawag natign tender loving care.
Sigurado ako na sa mga ka-close mo lang ito magagawa. Kung hindi mo kaya itong gawin sa iba, hindi mo sila ka-close kaya wag masyadong pag-aksayahan ng pera. Ito ngang mga ka-close mo e ginagawan natin ng creativity and resourcefulness para makatipid tapos sa hindi ka-close pagkakagastusan mo ng material na regalo, di ba?
Stop impressing people who do not care about you.
With this, the message is to go beyond material things, kasi iyan naman ang essence ng holiday season – to spend quality time and create wonderful memories with your loved ones.