Isa sa pinakamabisang paraan ng pagsasaayos at pagiging masinop sa pera ay ang pagsasabi ng “hindi” o “the art of saying no.” Dahil ayaw makasakit sa damdamin ng mga Filipino, napipilitan ang marami na um-oo sa mga bagay na dapat ay tinatanggihan.
Maraming modus operandi ang mga gustong ipagsapilitan ang pagpayag mo sa kanilang financial requests. Narito ang mga karaniwan nilang ginagawa.
Bullying
Ang bullying ay ang paggamit ng superior strength or influence para i-intimidate o takutin ka nang mapilitan kang pumayag sa kagustihan nila. Kapag sinasabihan ka na hihiwalayan ka o hindi ka na nila mahal dahil hindi mo napagbigyan ang kanilang hiling, ito ay bullying.
Whining
Ang mga reklamador ay whiners. Sila yung mga taong mabalis pa sa alas kuwatro kung umatungal. Ginagamit nila ang pagrereklamo para makuha nila ang gusto nila sa iyo.
Mga halimbawa reklamo:
“Hindi masarap ang ulam!”
“Ang layo naman!”
“Luma na kasi!”
Ang mga mahihina ang loob ay karaniwang bibigay para tumigil ang mga reklamador.
Guilt-trip
May mga tao namang ang gagawin ay konsensiyahin ka upang makuha nila ang matamis mong oo. Sila yung mga mahilig magpaawa-effect. Yung mga tipong bibigyan ka ng best-actress o best-actor level ng drama worthy of FAMAS awards.
Kaso ang problema, kapag napagbigyan mo na, naglalaho silang parang bula. Bukod sa artista ay nagiging magician din pala sila.
Complimenting
Ang complimenting o ang pagbibigay pugay o papuri. Ito yung sinasabihan ka ng mga magagandang bagay upang maka-dengoy sila sa iyo. Sila ang mga bolero o mga smooth operators.
Kailangang magingat sa mga taong ito dahil hindi mo namamalayang naiisahan ka na pala nila dahil sa mga magagandang salitang binibitawan sa iyo. Huwag papadala.
Ambush – putting you on the spot
Ang style na ito naman ay ginagamit ang hiya bilang bala against you. Sila yung magtatanong nang biglaan sa iyo ng request sa harap ng maraming tao at awkward kung ikaw ay tatanggi.
Mahilig ang mga taong ito na humanap ng hindi magandang timing para tanungin ka ng kanilang request. Karaniwan ginagawa nila ito sa harap ng mga taong may pagkiling sa kaniya para magatungan at mapilitan kang um-oo.
salamat sir,,,
marami nga ang ganito lalo sa field ng Sales..