was successfully added to your cart.

Cart

Mga negative financial implications ng pagiging LGBT

Ako po ay kabilang sa LGBT community. Kamakailan ay inimbita ko ang mga miyembro ng Babaylanes Foundation na magbigay ng Sexual Orientation, Gender Identity and Expression seminar sa mga estudyante ko sa Ateneo.

Isa sa mga naging obserbasyon ng aking mga estudyante ay ang negative financial implications ng pagiging LGBT. Hindi nila alam na marami palang mga serbisyo at benepisyong di nakukuha mula sa gobyerno dahil sa pagiging LGBT.

Ang akala nila maayos naman ang kalagayan ng mga LGBT dahil noong una akala nila ay katulad na ng mga straight ang kanilang tinatamasa sa gobyerno at komunidad. Hindi ito totoo.

Mas mataas ang babayarang buwis

Dahil walang civil union o domestic partnership sa Pilipinas, ang pagmamahalan ng LGBT ay hindi kinikilala ng batas. At dahil diyan, maraming mga government-mandated benefits na hindi namin makuha.

Mas mataas ang buwis na babayaran namin kasi hindi namin mailagay as deduction ang aming mga inaalagang anak. Dahil hindi kami nakikita bilang isang legal na pamilya sa batas, mas mataas ang binabayaran naming buwis.

Saklap, di ba?

Hindi puwedeng maging beneficiary ang partner sa SSS

Kadugtong pa rin ng kawalan ng civil union at domestic partnership, hindi puwedeng mailagay as beneficiary ang partner sa SSS.

Katulad ko, 15 taon na kami ng partner ko (yes, may forever! Hahaha), pero hindi ko siya mailagay as my beneficiary sa aking SSS at ganun din ako sa kaniya. Sakaling mamayapa ako, hindi niya makukuha ang retirement benefit para sa spouse.

Pareho lang naman tayong nagmahal, di ba?

 

 

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: