was successfully added to your cart.

Cart

Mga legit na paraan para kumita ng pera online

By December 27, 2018 Business

Online business o online sales ang isa sa nauuso ngayon na paraan para kumita ng pera. Minsan nang nabansagang social media capital of the world ang Pilipinas at nariyan nga ang oportunidad na kumita mula sa e-commerce.

Ito ang mga iba’t-ibang paraan para kumita, legally, online.

 

Create content

Ang mga netizens ay always in search of good content – maaring ito ay videos, blog posts, music, infogrpahics, articles at marami pang iba. Ang mga content na ito ay maaring i-publish sa internet at pagkakitaan.

Mag-sign up sa Google adsense para malagyan ng advertisements ang iyong blog. Puwede mo ring palagyan ng advertisement ang Youtube at Facebook videos mo.

Kapag nakikilala ka na online, maari ka nang kumuha ng mga sponsors para sa paggawa mo ng content.

Offer consulting services

Marami sa ating mga Filipino ay sought after ang skills abroad. Pero dahil hindi lahat ay gustong magtrabaho abroad, isang paraan para makinabang pa rin ay sa pamamagitan ng pagooffer ng consulting services online.

Puwede dito ang freelance writing, editing, transcription, social media marketing, English language teaching, tutorial services, graphic design, web development at marami pang iba.. Puwede mo ring i-offer ang services mo bilang virtual assistant.

Sell products online

Kung may produkto ka na, isang magandang paraan ng pagbebenta ang online selling. Madalas nakikita ko ito na ginagawang sideline ng mga working moms or full time moms.

Pinipicturean nila ang kanilang mga produkto tapos ipinopost ito sa kanilang social media accounts sabay nangunguha na ng order. Reliable at marami naman ng options for pick up and delivery ng products kaya madali na itong magagawa.

Maari ding ilagay ang produkto o serbisyo sa mga online shops or online stores tulad ng Lazada, Amazon at Shoppee. Kadalasan may fees or commissions ang mga ito pero dahil mas malawak ang kanilang network, you make your product available to a lot of people.

Maari ka ding mag-apply sa affiliate marketing program ng mga online stores or online shops. Bibigyan ka nila ng code na siyang gagamitin mo sa iyong website para kung may bumili sa pamamagitan ng iyong website, may discount kang makukuha.

Make a business plan

Kung seseryosohin ang online business, maganda na sumulat ng business plan upang siguradong maayos ang pagsisimula mo nito.

 

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: