was successfully added to your cart.

Cart

Mga kailangang malamang kalkulasyon upang masiguradong kumikita ang negosyo: Profit margin

Ang profit margin ay isang profitability ratio na nakukuha sa pamamagitan ng pag-divide ng net income mula sa kabuuang sales o revenues. Formula: Profit margin = Net profit ÷ Sales.

Net income

Ang net income na tinatawag ding net profit ay ang linis na kita mula sa mga benta, ibig sabihin natanggal na lahat ng gastusin mula sa napagbentahan at ang natira ay ang linis na kita, net income o net profit. Ang mga gastusin ay maaring mga materyales na ginamit para sa pagbuo ng produkto o serbisyo, pasuweldo sa mga tao, renta sa opisina at iba pang gastusin.

Sales

Ang sales o revenues naman ay ang kabuuang napagbentahan na bawas na ng kung anumang ibinawas na diskuwento na ibinigay sa customer at commission na ibinigay sa sales agent kung meron. Kinakailangang naibawas na rin dito ang sales tax – ang sales tax sa Pilipinas ay ang Value Added Tax.

Panukat ng profitability

Ang profit margin ay isang mabisang ratio na panukat upang malaman kung kumikita ang isang kumpaniya o hindi. Madali ding magagamit ang percentage na makukuha para ikumpara ito sa ibang negosyo o investment.

Sinusukat nito kung magkano ang kinikita ng isang negosyo kada pisong nabebenta nito – how much a business earns for every peso of sale. Ang 10% na profit margin ay nangangahulugang ang isang negosyo ay may net income na 10 sentimo sa kada pisong napagbebentahan nito.

Gamit ng profit margin

Halimbawa ang net income ng isang negosyo ay PhP 1 million last year at ngayong taon ito ay naging PhP2 million. Sa unang tingin, masasabi nating tumaas ang net income pero gumanda ba ang operations ng negosyo? Mas naging efficient ba ito?

Ipagpalagay natin na ang sales last year ay PhP5 million at ngayon ang sales ay PhP15 million, makikita natin na ang profit margin last year ay 20% (1 million ¸ 5 million = 20%) at ang profit margin naman ngayong taon ay 12.5% (2 million ¸ 15 million). Mas marami tayong nabenta ngayong taon pero mas maliit ang kinita natin kumpara last year.

Kung tutuusin, hindi nangangahulugan na kapag tumaas ang net income ng negosyo kumpara sa mga nakaraang taon ay nangangahulugang gumaganda ang operations nito. Mas makakatulong kung profit margin ang gagamitin sa pagkukumpara ng trend na ito.

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: