Ayon sa Republic Act 9155 o ang “Governance of Basic Education Act of 2001,” libre ang basic education sa Pilipinas. Kaya naman hindi nakapagtataka na sa Family Income and Expenditure Survey ng 2015, 3.8% lang ng kabuuang gastusin ng karaniwang Filipino ang nakalaan para sa edukasyon.
Ngunit hindi natin maikakaila na may mas igaganda pa ang kaledad ng basic education sa Pilipinas. Siksikan ang mga estudyante sa classroom, kulang ang libro at iba pang mga kagamitan para sa mabuting pag-aaral.
Sa pribadong mga paaralan, dahil nagbabayad ang mga may kaya ng mahal na tuition nakukuha nila ang mas magandang kaledad ng edukasyon. Of course, may mga exceptions. May mga public schools din naman na mataas ang kaledad ng edukasyon.
Kung kayo ay curious kung anu-ano ang mga high schools sa Pilipinas kung saan may matataas na tuition, narito ang listahan.