Mga Emosyong Nakakasagabal sa Personal Financial Success: Pagkabagabag o Guilt
Kailangan lang nang mahusay na plano at mentoring na maaari nilang sundin para maabot ang kanilang financial goals. Sa susunod na makita mo ang sarili sa ganitong sitwasyon, maaari mo silang ipagdasal, payuhan o bigyan ng psychological support.
Epektibo rin ang mga ito at walang gastos.
Ang ikalawang istratehiya ay tugunan ang financial needs muna ang pangangailangan ng mga taong umaasa sa ‘yo bago ka tumulong sa pinansya ng iba.
Kanino ka ba responsible?
Mahirap itong sagutin sa karamihang Filipino dahil sa ating malapit na ugnayan sa pamilya. Mainam na halimbawa si Nellie. Single siya ngunit ginawa niyang responsible ang sarili sa bawat miyembro ng kanyang extended family- mga pamangkin, tiyuhin at tiyahin.
Para maiwasan ito, narito ang mga simpleng hangganan na maaari mong magamit para matukoy kung kanino ka may responsibilidad financially.
Kapag single ka, responsable ka lamang sa iyong sarili.
Ito ang mga hindi kasali: Kung wala ng kakayanang kumita ng iyong mga magulang, ikaw ang may responsibilidad sa kanila; kung ulila kayo at may kapatid kang 21 taon pababa, responsibilidad mo ang iyong kapatid.
Bukod dito, hindi mo na responsibilidad ang iba.
Ibig sabihin, hindi ka dapat tumutulong financially sa iba pang miyembro ng pamilya kung hindi ka financially stable. Huwag kang ma-guilty kung hindi mo sila matulungan.
Ipaliwanag mo sa ibang miyembro ng pamilya na wala kang kakayahan para tumulong financially. Kapag tumulong ka, inilalagay mo sa panganib ang iyong financial status.
Sabihin mo sa kanilang tutulong ka kapag financially stable ka na. Laging tandaan ang kahulugan ng financially stable at gamitin ito bilang gabay.
Kung may-asawa ka, hindi ka responsable sa iyong asawa.
Kapantay mo ang iyong asawa at katuwang sa pagganap ng mga responsibilidad. Kaya’t kung sa palagay mo ay hindi natutugunan ng iyong asawa ang bahaging ito ng inyong relasyon, panahon na para mag-isip mabuti.