Mga Emosyong Nakakasagabal sa Personal Financial Success: Pagkabagabag o Guilt
Naniniwala siyang dapat lang na tulungan ang kanyang mga kamag-anak na naiwanan sa Pilipinas dahil siya naman ang masuwerteng nagkaroon ng trabaho sa ibang bansa. Misyon niyang i-ahon ang kanyang pamilya sa kahirapan.
Kaya’t sa nakalipas na 20 taon, hindi siya nakakalimot magpadala ng pera. Isinakripisyo ni Nellie ang sarili hanggang sap unto na hindi na siya nakapag-asawa para lamang matugunan ang mga kahilingang pinansyal ng kanyang mga kamag-anak.
Nang dumalo si Nellie sa aming training course, alam na niyang may mali sa kanyang pinansya. Pakiramdam na hindi niya pinapansin dati, ngunit dahil sa aming training, naramdaman niyang may madaliang pangangailangan na i-evaluate ang kanyang financial status.
Sa pamamagitan ng online course at napupunan ng mga live trainings na ibinibigay namin, nakabuo na siya ng kanya personal balance sheet at nabibilang na niya ang mga perang pumapasok at lumalabas.
Natuklasan niyang wala siyang pera. Negatibo ang kanyang net worth dahil inuuna niya ang kanyang mga kamag-anak kaysa sa sariling kapakanan.
Nagdesisyon siyang dapat na itong ihinto.
Tipikal na ang psychological warfare ay nagagamit para mapilit at ma-pressure si Nellie na magpadala ng pera kahit hindi na niya kaya.
Karaniwang sinasabi ng kanyang mga kamag-anak, “ Paano mo natitiis na maging komportable sa Italy kahit alam mong nakakaranas kami ng paghihirap sa Pilipinas?”
Dahil sa guilt, bibigay siya sa mga kahilingang pinansyal ng kanyang mga kamag-anak. Siya ang nagpapaaral sa kanyang mga pamangkin, nagpapadala ng pera para sa medical bills, at ipinagamit pa niya sa kanyang tiyuhin ang kanyang bahay sa Pilipinas bilang collateral sa loan.
Ang malungkot dito, hindi nabayaran ng kanyang tiyo ang loan at kamuntik nang mailit ang kanyang lupa. Noon lang nya napagtanto na puno na sya at tama na.
Nagdesisyon siyang huwag nang bumigay sa kanyang guilt dahil wala namang kailangang ika-guilty. Naisip niyang mahirap ang kanyang mga kamag-anak dahil sa kagagawan nila, at hindi dahil sa kanya.
Ginawa na niya ang lahat para tumulong at sa katunayan ay inabuso pa ang kanyang pinansya. Matapos dumalo sa training, ipinangako ni Nellie na aayusin na ang kanyang pinansya.