Mga Emosyong Nakakasagabal sa Personal Financial Success: Pagkabagabag o Guilt
Tama nga ang hinala ko na matapos ang dalawang taon ay in-auction na ng bangko ang aming ari-arian. Ang partner ko ang nag-bid rito at natupad naman ang lahat ayon sa aming plano kaya’t nakuha naming muli ang aming ari-arian.
Higit na mababa na ang halaga nito kaysa sa napakataas na hinihingi nila dati nung ipasasara pa lamang. Tuwang tuwa ang mga magulang ko sa nangyari.
Sa puntong iyon ako humingi na kapatawaran sa aking mga magulang. Iyon na ang pinakamasayang sandali ng buhay ko nang magkaayos kami ng aking mga magulang.
Palagay ko napagsikapan kong maipagmalaki nila ako at pinatunayan ko sa kanilang pinalaki nila ako na isang mabuting tao. Sa huli, naintindihan nilang hindi nga pera ang solusyon sa lahat ng problema. Higit pang tumaas ang respeto ko sa aking mga magulang.
Nagawa kong labanan ang pinansyal na problema ang aking pamilya sa pamamagitan ng pagsasaisantabi sa aking guilt. Tinuruan ako ng Ateneo at ng Asian Institute of Management kung paano magpatakbo ng negosyo.
Ngunit malaki ang utang na loob ko sa aking mga magulang sa pagpapalaki sa akin at pagbibigay sa akin ng mga pagpapahalagang taglay ko sa buhay. Gabay ko ang mga pagpapahalagang ito sa pamamahala ng negosyo.
Nagulat pa sila dahil nalimutan na nila ang pinaka-itinuro nilang pagpapahalaga sa akin at kinailangan ko pang manindigan para maipaalala ito sa kanila.
Pagkabagabag o Guilt Dahil May-Kaya ka at ang mga Kamag-anak mo ay Wala
“Hindi ko kasalanan na mahirap ka.”
Ito ang mga huling sinabi ni Nellie, isa sa mga libo libong lumahok sa aking financial literacy trainings. Overseas Filipino Worker (OFW) si Nellie na nagtrabaho sa Rome, Italy, bilang domestic worker ng mahigit 20 taon.
Ibinahagi nya na sa loob ng 20 taong pagtatrabaho ay wala siyang emergency savings, hindi sigurado kung mayroon siyang insurance at assets- bahay at lupa- na nanganganib na maipasara. Laging inuuna ni Nellie ang kapakanan ng kanyang pamilya bago ang kanyang sarili.