Mga Emosyong Nakakasagabal sa Personal Financial Success: Pagkabagabag o Guilt
Gusto nila noon na bayaran ko ang lahat ng mga pagkakautang nila para maisalba ang aming bahay, iba pang ari-arian, at para hindi mapahiya sa komunidad. Sinabi ko sa kanilang hindi ito ang pinakamainam na solusyon dahil ang mga natirang hindi pa bayad na interes na may napakataas ng rates idagdag pa ang penalty ay kailangang mabayaran.
Gayundin, sinabi kong kailangan nilang ipagpatuloy ang pagpapasara at kailangan naming makipagtulungan sa auction ng aming ari-arian kapag ipinagbili na ito ng bangko. Aabutin ng mga dalawang taon ang proseso, panahon para makapag-ipon sila ng pera at makilahok sa bidding nito.
Natatakot silang matalo sa bidding. Ipinaliwanag kong kailangan nilang maunawaan ang panganib na pinasok nila noon pa man nang ginamit nila ang pag-aari namin bilang kolateral.
Ipinaliwanag ko ring ang hinihinging halaga ng bangko na para sa kabayaran ng aming loan upang hindi maipasara ay higit na mataas kaysa sa orihinal nitong halaga. Kaya’t walang financial sense kung babayaran ko ang aming mga utang.
Lubha silang nagalit sa akin, ngunit sa palagay ko ay mahirap talaga para sa bahagi nila na nagsikap mabuti ng buong buhay nila para makamit ang mga bagay na ito. Sa kabila ng mga emotional blackmail na natanggap ko mula sa aking mga magulang ay hindi ko pa rin sila pinagbigyan.
Natuloy ang pagpapasara.
Nasaksihan ito ng aking kapatid na babae at lagi niya akong binabalitaan kung ano ang nangyayari sa Quirino, isang malayong probinsya na malapit sa Isabela kung saan ako lumaki. Nang mga panahong ito ay nasa Maynila na ako.
Ikinukuwento ng aking kapatid na minsan sa isang linggo ay tinatanggal niya ang foreclosure sign sa harap ng aming bahay. Lumayo pa ang aking mga magulang sa higit na liblib na lugar para hindi marinig ang sasabihin ng mga tao tungkol sa aming problemang pinansyal.
Tinanggap at tiniis ko ang lahat nang ito.