Mga Emosyong Nakakasagabal sa Personal Financial Success: Pagkabagabag o Guilt
Nasa ikatlong taon ako sa kolehiyo noon sa Ateneo de Manila University ng tamaan kami ng krisis. Dumating ang punto na kinailangan kong magloan sa Office of Admissions and Aid dahil nahihirapan na ang aking mga magulang sa pagbibigay sa akin ng allowance.
Naalala ko ang pakiramdam na nakaginhawa ako ng matapos ko ang loan bago ang aking graduation. Naging sanhi ang financial crisis sa paghina hanggang sa pagsasara ng aming furniture business.
Laging nasa pakikipagsapalaran noon ang aking mga magulang sa mga legal na usapin sa bangko, pagpigil sa pagpapasara at negosasyon sa mga termino ng loan. Naging alipin sila ng mga financial institutions.
Ni hindi nila mabayaran ang mga interes ng loan dahil napakataas ng interest rates noon sa 42% per annum. Nakakapanlumo sa pamilya na ang lahat ng pagsisikap sa trabaho ay nauuwi lang sa pambayad ng interes at loans.
Pagkatapos ng graduation ay inimbitahan ako ng aking mga magulang sa maging bahagi na ng family business at isapraktika na ang aking mga natutunan sa Ateneo.
Tumanggi ako.
Sinabi ko sa kanilang gusto kong maghanap ng ibang mapagkakakitaan. Lumulubog na noon ang bangka ng aking mga magulang, at kung sumali pa ako ay malulunod kaming lahat.
Naaalala ko kung gaano sila kabigo noong sabihin ko ang aking desisyon. Pasalamat na lang ako sa udyok ng kapatid kong babae na nauna nang naging bahagi ng family business, hindi ako napuwersa sa pressure ng aking mga magulang.
Ikinuwento niya sa akin kung gaano kahirap at kung alam lang niya ay hindi na niya piniling manatili sa aming family business kung maibabalik lang ang panahon. Nagkasundo kami na maghahanap ako ng trabaho at magtatayo ng sarili kong negosyo balang araw.
Kung babalikan, higit akong nakatulong ngayon sa aking mga magulang kaysa kung sumali ako sa family business.
Matapos ang sampung taon nang pakikipaglaban sa mga legal na usapin at negosasyon sa bangko ay naipasara rin ang aming pag-aari. Ito na ang pagkakataon na nakiusap sa akin ang aking mga magulang na tulungan ko sila.
Muli, tumanggi ako.