Mga Emosyong Nakakasagabal sa Personal Finance Success: Hiya
Naka-set na ang kanyang isip na kontrolin ang paggasta dahil wala siyang ibang aasahan kundi ang sarili. Ngayon ay napag-aaral ni Susan ang kanyang mga anak sa kolehiyo gamit ang kanyang kita mula kanyang investments.
Nakaipon siya ng higit P2 million sa kanyang investment na nakapagbibigay ng passive income. Sapat lang ang kanyang sahod para mabigyan ng allowance ang kanyang mga anak.
Sabi niya, excited na siya sa kanyang financial independence kapag nakapagtapos na ang kanyang mga anak sa loob ng tatlo hanggang apat na taon. Tinanong ko sa kanya kung paano niya naharap ang mga pagsubok at naiwasan ang mga tukso para gumastos.
Sabi niya, sapat na sa kanyang malaman na mas may kakayanan siyang bumili ng mga bagay kasya sinuman sa kanilang opisina. Sapat na ang dahilang ito para hindi gumasta.
Wala siyang kailangang patunayan kaninuman dahil naniniwala siya sa sarili ng buong katapatan. Pinagkakatiwalaan niya ang sarili.
Hiya
Nagbigay kami ng financial literacy training sa isang social enterprise na may mga empleyadong ex-delinquents at mga kabataang biktima ng trafficking. Mga empleyado sila ng social enterprise habang nag-aaral sa high school o kolehiyo.
Dahil sa aming training, nagkaroon sila ng sarili nilang bank accounts at patuloy na nag-iipon mula sa kanilang mga sahod. Mahigpit ang social enterprise sa disiplina at trabaho.
Lumikha ito ng iba’t ibang sistema para sukatin ang performance ng mga empleyado para manatili sa trabaho at scholarship. Isa sa sukatan ang attendance.
Ibinahagi ng manager na mayroon siyang kaso kung saan ang isang bagong empleyado na si Junjun ay huminto sa trabaho dahil na-late ito ng isang beses. Nang imbestigahan niya, nalaman niyang dahil sa hiya kaya’t hindi na nagpatuloy si Junjun.
Hindi lang kahihiyan sa Pilipinas ang hiya kundi isang asal na nahihiya ka dahil may pangako kang hindi natupad.
Kung may mainam na dahilan kung bakit hindi natupad ang pangako, walang sanang lugar para sa hiya. Ang kailangan ay ang pagkilala na nakagawa ka ng pagkakamali at susubukan mo uling bumawi para matupad ang pangako.
Sinayang ni Junjun ang lahat ng kanyang oportunidad dahil sa hiya. Mayroon itong negatibong implikasyong pinansyal.
Nawalan siya ng pagkakataong magkaroon ng mabuting edukasyon. Nawalan rin siya ng pagkakataong kumita sa trabaho.
Kung wala siyang edukasyon, mas mahihirapan siyang makakuha ng magandang trabaho. Kailangang isaalang-alang ang mga oportunidad na ito kapag gumagawa ng desisyon.
Kailangang lunukin ang sariling pride, humingi ng paumanhin at pagbutihan sa hinaharap. Kapag tinahak ang landas na ito, mas may magandang pagkakataon para mapaunlad ang financial status.
Walang dapat ikahiya kung tapat ka sa sarili at sa ibang tao. Walang masama sa pagiging ikaw. Ang kaalamang ito ay dapat na maisalin sa desisyong pinansyal.
Kailangan mong malaman ang iyong kakayanan at pagbutihin ito. Mas mababawasan ang pressure ng pagsunod sa iyong mga kaibigan at sumabay sa konsumerismo kung kilala at naniniwala ka sa iyong sarili.
Hindi ka sinusukat sa kung ano ang meron ka. Matutunang maniwala sa sarili. ‘Yan ang pinakamagandang paraan para makuha ang tiwala at kompiyansya ng ibang tao.