Mga Emosyong Nakakasagabal sa Personal Finance Success: Hiya
Wala rin silang pinirmahang kontrata dahil sabi nya, lampas sa negosyo ang pagkakaibigan. Naniniwala siyang hindi siya lolokohin ni Jade dahil magkaibigan sila.
Sinabi niyang hindi niya akalaing mangyayari ito sa kanya. Nalulungkot siya dahil ang matagal niyang pinag-ipunan ay nawala lamang sa isang iglap. At ang pinakamalungkot ay ang nasira nilang pagkakaibigan ni Jade.
Naniniwala rin akong mas mahalaga ang pagkakaibigan kaysa pera. Ngunit iba kaysa Ma’am Gretel, gumagawa ako ng paraan para maprotektahan ang aking pagkakaibigan at siguruhing magtatagal yun.
Para mangyari ito, gumawa ng kontrata na nakalagay ang terms and conditions ng inyong kasunduan. Paano mapoprotekhan ng kontrata ang inyong pagkakaibigan?
Una, dinedetalye ng kontrata ang mga terms and agreement ng inyong kasunduan. Nangangahulugang malinaw ito sa bawat partidong kasali at walang magrereklamo kapag nagawa na ito.
Tulad ng sabi nila, nasa detalye ang demonyo. Tingnan halimbawa ang interest rates. Alam ng mga tao ang nosyon ng interest. Ngunit maraming paraan para kuwentahin ang interest rates.
Pinaka-basic ay ang paggamit ng flat rate method at ang higit namang komplikadong paraan ay sa pamamagitan ng effective interest rate.
Kaya’t ang nominal interest rate ay maaaring may dalawang magkaibang interest amount, depende sa gagamiting computation method. Ang maliliit na detalyeng ito ay dapat na nakasulat sa kontrata, nauunawaan at napagkasunduan ng lahat ng partido.
Ikalawa, magsisilbi ang kontrata bilang paalala sa mga terms and conditions ng kasunduan. Sa maraming pagkakataon, akala natin ay naaalala natin ang bawat detalye ng kasunduan ngunit hindi realidad sa lahat ng kaso.
Marami tayong inaalala sa araw-araw ng buhay natin at nakakaligtaan natin ang mahahalagang detalye. Ang ilagay ito sa sulat ang pinakamainam para maging sanggunian ng kasunduan.
Ikatlo, nagiging batas ang kontrata. Kapag napirmahan at naipanotaryo, ang kasunduan ay maaaring ipatupad ng korte.
Sa aking opinyon, pinagtitibay nito ang mga ugnayang panlipunan dahil napipilitan ang mga tao para maging matapat sa kasunduan. Naitatatag nito ang pagkakapantay at naiiwasan ang pang-aapi.
Ipatutupad ng justice system ang kontrata at magkakaroon ng benepisyo ang publiko. Kapag kinilala ang kasunduan, nagkakaroon tayo ng tiwala.