Mga Emosyong Nakakasagabal sa Personal Finance Success: Hiya
Maaaring mahinahon silang magsalita sa personal pero radikal at bastos sila sa internet. Laging pag-isipang mabuti kung sino ba talaga tayo. Nagiging tulad na ba tayo ng ating avatar o higit nating nakikilala ang ating kaibuturan?
Para maiwasan ang pagkukunwari, kailangan nating maging totoo sa ating sarili at sa iba. Kailangan rin nating matutong magtiwala sa ating sarili at sa ating kapwa.
Sa kaso ni Anna, hindi niya pinagkatiwalaan ang sarili niyang kakayanan para disiplinahin si Rex. Kaya niya ito laging isinasalba.
Hindi niya pinagkakatiwalaan si Rex sa kakayanan nitong lutasin ang sariling financial problems. Kundi ay naging makatarungan sana siya sa pagtulong dito.
Minsan, nagkakamali tayo sa pagtitiwala sa ating sarili at sa iba ng labis labis. Isang halimbawa ang guro kong si Ma’am Gretel at ang dati niyang estudyante sa high school na si Jade.
Iginagalang si Ma’am sa aming paaralan dahil siya ang nagpapanalo sa aming paaralan sa iba’t ibang inter-school competition kundi nag-aabot rin ng tulong pinansyal sa mga pamilya. Single si Ma’am Gretel at nagpapaaral ng kanyang mga pamangkin.
Naaalala ko kung gaano siya kasinop sa pera dahil bilang niya ultimo sentimo. Lumipat ng trabaho si Ma’am at ngayon ay mas kumikita nang malaki kaysa dati niyang sahod.
Samantala, nang magtapos naman si Jade sa kolehiyo, bumalik siya sa kanyang bayan, nagpamilya at nagtayo ng sariling negosyo. Pinamunuan niya ang pagtatatag ng isang local club ng young enterpreneurs.
Pero laging makikita si Jade na nagbabakasyon kasma ang pamilya, may mga bagong gadgets, appliances, at kotse. Napaniwala niya ang lahat sa kanyang tagumpay.
Tinitingala siya sa kanyang bayan bilang modelo ng isang matagumpay na negosyante. Hanggang isang araw, walang paalam siyang lumipad papuntang Middle East.
Iyon pala, ang perang ginagastos ni Jade sa kanyang mga bakasyon, kotse, at mga gadgets ay binili mula sa utang sa kanyang dating guro. Umabot ang halaga ng mahigit kalahating milyong piso.
Ang sabi ni Jade kay Ma’am Gretel ay lumalago ang kanyang negosyo at kailangan pa niya ng dagdag na kapital. Pinagkatiwalaan ng guro si Jade dahil kilala niya ngunit wala ng pagkilatis.