Mga Emosyong Nakakasagabal sa Personal Finance Success: Hiya
Una, hinayaan ni Anna ang kanyang anak para makaipon ng malaking utang sa kanya. Ang P1.5 million loan ay halos katumbas nan g sahod ng isang chief executive sa isang maliit na medium enterprise ng dalawang taon.
Hindi sana ito nangyari. Kapag nagtuturo ako ng microfinance at may maling nangyari, lagi kong sinasabi na ang nagpautang ay may mas malaking responsibilidad kapag nagpapautang.
Sila ang may economic power at ang siyang may huling desisyon. Kapag nagkamali sila na palawigin pa ang loans sa kanilang kliyente, inilalagay nila ito sa panganib ng pagkalugmok sa kahirapan dahil sa walang patid na pangungutang.
Dapat ay alam ito ni Anna. Hindi lalaki ang utang ng P1.5 million kung hindi niya ito pinayagan.
Noong humiram si Rex ng P100,000 at hindi nabayaran, hindi na sana ito ipinagpatuloy pa ni Anna sa panibagong loan ni Rex. May pagkakamali rin si Anna kung bakit delingkwente ang kanyang anak sa panghihiram ng pera dahil hinahayaan niya itong mangyari ng madalas.
Kapag hinaharap ang financial matters, elemento ng oras ang susi dito. Huwag patagalin pa ang mga maling gawi. Laging tukuyin ang mga bad financial habit at iwasto.
Sunod, noon pa alam ni Anna na may bad financial habits si Rex. Naging responsable na sana siya sa pag-iiwan ng mga oportunidad kay Rex dahil alam naman niyang may malalang gawi ng pangungutang.
Sa madaling salita, huwag painan ng tukso ang mga tao. Hindi ka nakakatulong.
Nang maiwanan ni Anna ang kanyang pre-approved credit card sa bahay, hindi siya naging maingat kahit alam niyang maaari itong pakialaman ng kanyang anak na may kakayanang ibaon ang sarili sa mga utang. Kapag tinutulungan mo ang isang tao sa kanyang masamang gawi, huwag mo silang ibuyo sa tukso.
Tulad rin ito ng kung ang isang miyembro ng pamilya ay nagpapapayat. Huwag bibili ng mga unhealthy food – cupcakes, fatty food, soda – huwag lalamon sa harap ng nagpapapayat.
Bumili ng mga healthy foods tulad ng prutas at nuts at magluto ng mga healthy meals. Gumawa ng isang environment na makahihikayat sa kanyang bumuo ng mga tamang gawi para mabawasan ang timbang.
Ganito rin sa finance.