Mga Emosyong Nakakasagabal sa Personal Finance Success: Hiya
Kumuha rin si Rex ng car loan pag-alis ni Anna. Makalipas ang anim na buwan, nawalan siya ng trabaho at sinabi niya sa kanyang ina na hindi na niya kayang bayaran ang kotse.
Nang malaman ang nangyari, nag-alok si Anna na bayaran ang kotse. Dahil sa alok, hiniling ni Rex na sa kanya na lang ipadala ang pera at siya na ang magbabayad ng amortization dahil nag-iisue naman siya ng mga post-dated checks.
Pumayag si Anna at ipinadadala niya ang pera sa account ni Rex. Galing ang pera sa pension ng kanyang asawa.
Ngunit tulad ng inaasahan, hindi rin ito ginamit ni Rex para ibayad sa kotse. Sinusubukan ni Anna na padalhan ng email si Rex, i-messsage sa Facebook, at tawagan pero hindi siya sumasagot.
Ito ang maaaring mangyari kapag sinubukan mong lutasin ang problema ng iyong anak. Tinanong ko si Anna kung bakit niya ito ginagawa.
Sabi niya dahil gusto nyang panatilihing malinis ang kanyang pangalan at ayaw niyang masadlak sa kahihiyan ang kanyang pamilya. Ang hiya ay hindi magandang pakiramdam na nagmumula sa kamalayan dahil may nagawa kang hindi kaaya-aya, masama o katawa-tawa sa sarili o sa iba.
May tatlong uri ng senaryo na masasabing nakakahiya at nakakasagabal sa personal finance success. Ito ay ang marunihan ang pangalan ng pamilya dahil sa kahihiyan, ang kahihiyan ng pagpapanggap, at ang konsepto ng hiya.
Ang kuwento ni Anna ay isang klasikong halimbawa ng pagsasalba ng reputasyon ng pamilya dahil sa kahihiyan.
Pagsasalba sa Pangalan ng Pamilya
Laging natutukso ang mga magulang na lutasin ang problema ng kanilang mga anak dahil ayaw nilang mapahiya. Gusto nilang isalba ang pangalan ng pamilya, at ayaw nila itong marumihan.
Mabuti naman ang intensyon ng ganitong paraan. Kaya lamang, kailangang maging maingat ng mga magulang para hindi maling signal ang maunawaan ng kanilang mga anak tulad ni Anna.
Maraming palatandaan ng mga maling pamamahala ng pera sa pamilya at ang kawalan ng disiplina ng anak sa kaso ni Anna. Maingat nating himayin ang sitwasyon.