Kamakailan lang, nakatanggap ako ng email mula sa isa sa mga dumalo sa aking training. Tawagin natin siyang Ana.
Ibinahagi ni Ana na retired na siya kaya lamang, ang isa sa mga anak niya ay naging financial burden sa kanila ng kanyang asawa. Karaniwan lang siyang empleyado na nagsikap sa trabaho at sana ay nage-enjoy na ng kanyang retirement.
Mayroon siyang credit card na binabayaran niya sa nakalipas na 20 taon. Nag-migrate na siya sa Canada noong mag-retire siya.
Isa sa kanyang mga anak, si Rex ang nagkaroon ng P1.5 million na naipong utang sa paglipas ng mga taon. Nung umalis siya papuntang Canada, mayroon pa siyang credit card balance.
Gumawa siya ng kasunduan kay Rex. Dahil may utang ito sa kanyang pera, babayaran nito ang credit card balance ni Anna. Ito ang paraan para mabayaran siya ni Rex.
Mukha namang magandang plano hindi ba?
Bawat buwan ay tinatanong ni Ana ang kanyang anak kung nababayaran ba nito ang kanyang credit card balance. Laging oo, ang sagot sa kanya ng anak.
Isang araw ay nakatanggap siya ng sulat mula sa credit card company at naniningil. Nakalipas ang mga araw ng pagbabayad nito.
Hindi pala binabayaran ni Rex kahit isang sentimo ang credit card balance. Nagpatanong ng mataas na interest rate ang credit card bukod pa sa mataas na penalty rate dahil sa hindi pagbabayad.
Hindi na magagamit ang account. Dahil dito, ang savings nilang mag-asawa sa bangko ang magagalaw nila ngayon para mabayaran ang credit card. Sinagot nila ang problema ng kanilang anak.
Hindi lang ito ang kaso. Nang umalis si Anna, isa pang credit company ang nag-alok ng pre-approved credit line.
Dahil sa nagmamadali na siya noon sa pag-alis, wala na siyang panahon para ma-cancel ang card. Alam ni Rex ang detalye at na-activate niya ang credit card.
Ginagamit niya ito sa kanyang mga bakasyon. Malinaw na kaso ito ng pamemeke.
Maaari mong isipin ang gulat ni Anna nang makatanggap ng sulat mula sa credit card company. Sa kabila nito, binayaran pa rin niya ang credit card balance.
Akala nyo ba ay narinig nyo na ang pinakamalala?
May iba pang kuwento.