Mga Emosyong Nakakasagabal sa Personal Finance Success: Galit
Ikalawa, kapag sinabing ipagpaliban ang paggasta, katotohanan na nag-iipon ka. Ito ay pag-amin na ipinagpapaliban mo ang paggasta para makalikom nang higit na malaking halaga na maaari mong ma-enjoy sa hinaharap.
Hindi negatibo ang kahulugan. Nagbibigay ito ng positibong enerhiya at pagtingin tungkol sa pera at pinagagaan ang pakiramdam mo tuwing nag-iipon.
Ang kahulugang ito ay hindi nagkakait. Ibinibigay nito ang kabaligtaran. Hinihikayat kang mag-ipon dahil sa hinaharap, sa ‘yo rin ang benepisyo at kasiyahan na gastahin kung ano ang naipon mo.
Galit sa pamilya, galit sa pera, at galit sa mundo ang tatlong uri ng galit na mapapawi sa pamamagitan ng kasiyahan. Hanapin ito sa pagsasama- sama, sa kasimplehan, at sa pagtanggap ng kapayapaan ng loob.
Mahahanap mo ang kasiyahan kung bukas ang komunikasyon mo sa iyong pamilya. Mag-usap kayong mabuti para maayos ang mga ugnayan, matugunan ang mga isyu, at usapin, at huwag hayaang hindi magkaroon ng kalutasan.
Mababawasan ang panganib ng pagkakasira ng pamilya kapag ginawa mo ito. Maging maingat dahil maraming beses na hindi natin aakalaing maaari itong mangyayari.
Sikapin hanapin ang kasiyahan sa kasimplehan. Maging masaya sa mga simpleng bagay.
Huwag hayaang ang mga pinamili mo ang magtakda ng iyong pagkatao. Higit ka pa sa mga materyal na bagay.
Magkaroon ng positibong pagtingin sa buhay. Ilayo ang sarili sa negativity at paligiran ang sarili ng mga taong makapagdudulot ng positibong enerhiya na higit na makatutulong sa ‘yo para maging mabuting tao.