Mga Emosyong Nakakasagabal sa Personal Finance Success: Galit
May grupo ako ng mga baklang kaibigan na karamihan ay nagtapos sa UP at Ateneo de Manila na mga pinakamahuhusay na pamantasan sa Pilipinas. Karamihan sa kanila ay mga post-graduate degrees – Masters at PhD ngunit natuklasan kong karamihan sa kanila ay may mababang financial literacy level at ang iba pa sa kanila ay baon sa utang sa credit card.
Pare-pareho sila ng pananaw na mahirap kumita ng pera at mahilig gumasta. Iniiwasan namin ng aking partner na makipag-usap sa kanila tungkol sa pera dahil may negatibo silang tingin sa pera.
Isang araw, hindi ko na napigil ang aking sarili at inayos kong magkaroon kami ng isang maliit na financial literacy session. Dahan dahan kong ipinaliwanag sa kanila ang mga konsepto at practices kung paano magkakaroon ng mabuting practice ng personal finance.
Naimpluwesyahan ko silang tahakin ang positibong lapit at gumawa ng maliliit na hakbang para maharap ang kanilang mga financial issues at problema.
Karamihan sa mga nakatrabaho kong pesimistiko ay nabago ko ang kanilang isip tungo sa positibong pagtingin sa personal finance. Nagsimula kami sa maliliit ngunit madalas na pag-iipon. Marami silang mga ibinigay na dahilan sa aking kung bakit hindi sila nakakaipon.
Sa huli, nahikayat ko silang magtabi kahit maliit na halaga at ugaliin na ito. Tinulungan ko silang magbukas ng checking account. Nag-iissue sila sa akin ng post-dated checks bawat buwan.
Pinamamahalaan ko ang naipong halaga at ibinabalik ang 6% per annum. Ikinararangal ko na nasa ikatlong taon na kami ngayon.
Naalala ko pa ang kanilang saya nang una nilang makita ang kanilang statement of account. Hindi sila makapaniwala sa kanilang naipon.
Marami sa kanila ang nagsabi na iyon na ang pinakamalaking halaga na naipon nila sa buong buhay nila. Sinabi ko sa kanila na maging masaya sa nakita nilang halaga at maging panatag na ligtas itong naka-invest at makukuha kung sakaling may emergency.
Gayundin na kapag nakamit na namin ang emergency savings, magsisimula na kami sa pag-iipon at pag-iinvest para mga bagay na gusto nila. Pinaplano naming mag-ipon para makapagbakasyon sa ibang bansa.