Mga Emosyong Nakakasagabal sa Personal Finance Success: Galit
Sasabihin kong baka naman mainam pa ang kalagayan ng problemang walang solusyon at dahil rin hindi pa ito nahahanapan ng kalutasan. Sa ganitong panuntunan, naibibigay ko ang responsibilidad na pangalagaan an gaming organisasyon hindi lamang sa pinakamataas na namamahal kundi sa lahat ng miyembro.
Nakatitipid kami sa pera, oras, at stress sa ganitong istratehiya. Hindi namin pinahihintulutan ang negativity sa aming opisina. Imbes na manatili silang problema, hinihiling kong hanapan ng solusyon para maging bahagi sila ng solusyon at hindi ng problema.
Para matulungang alisin ang galit sa mundo, kailangang mahanap ng taong pesimistiko ang kapayapaan sa kanyang loob. Makatutulong ang yoga o meditation.
Kapag ginagawa ko ang mga ito, kumakalma ako at nagiging payapa. Maaari din siyang magsimula sa ehersisyo ng pagtangkilik sa maliliit na bagay.
Simulan sa maliliit na bagay sa kanyang paligid muna, pagkatapos sa sarili, at sa iba. Ehersisyo ito para sa positibong pagtingin sa buhay.
Mas madaling maging kritiko kaysa baguhin ang maging tagapagtaguyod ng pagbabago. Kapag napansin mo ang sariling may pinipintasan, imbes na tingnan ang mga pagkukulang, subukan mo lumagay sa kalagayan ng pinipintasan.
Isipin mo kung ano ang mararamdaman nya kapag narinig nya ang mga pintas mo.
Nakatutulong ba ang iyong mga sinabi? Kung ikaw ang tatangap ng kritisismo ano ang mararamdaman mo? Hindi kaya’t mas gugustuhin mong makarinig ng mga payo at mungkahi kesa sa kritisismo?
Piliin mo ang mga salitang gagamitin kapag nakikipag-usap sa mga tao o kahit sa iyong sarili dahil ang salita ang kumakatawan sa iyong mga iniisip at pagpapahalaga.
Isa pang maaari makatulong sa pesimistikong tao ay palibutan ang sarili ng mga taong may positibong enerhiya at pagtingin sa buhay. Huwag sa mga taong nagmumukmok, reklamador, at sumsusuko sa pag-akyat sa bundok na tinatawag na buhay.
Umiwas sa kanila, o bawasan ang pakikisama sa kanila.