Mga Emosyong Nakakasagabal sa Personal Finance Success: Galit
Marami akong kilalang tao na sagad ang utang sa credit card dahil sa pag-uugaling galit sa pera. Kapag natanggap na nila ang kanilang sahod ay mamimili na ng appliances o kaya’y gadget na hindi nila kayang bilhin dati.
Magpapakasasa sila sa pagbili ng mga usong damit para maipakita ang kakayanan nilang bumili. Susubukan rin nilang kumain sa mga fancy restaurants na hindi nila nakakainan dati.
Gumagasta sila sa business class tickets at tumutuloy sa mga five star hotels sa kanilang mga bakasyon. Hindi nangangahulugang dahil may kakayanan kang bumili ay kailangan mo nang mamili. Ang ganitong practice ang ikababagsak ng iyong pinansya.
Kailangan mong i-proseso ang pakiramdam ng napagkaitan para matigil ang walang kabuluhang paggasta. Masiyahan sa mga simple bagay na mas kakayanin mo lang.
Imbes na gumasta, gawing prioridad ang mag-ipon para sa emergency fund, bumili ng tamang insurance at mag-invest. Sa madaling salita, sundin ang 5-15-20-60 budgeting rule.
Galing sa iyong buwanang sahod, itabi ang 5% para sa premium insurance, ipunin ang 15% para sa emergency savings, 20% para sa investment o pambayad ng utang, at 60% para sa panggastos. Tandaan na kasama na ang tax sa 60% na natitira para sa iyong gastusin.
Batay rito, maaari kang magkaroon ng lifestyle na katumbas o halos kalahati ng iyong sahod. Nangangahulugan ito ng maraming sakripisyo at pagiging malikhain.
Ibig ring sabihin na kapag nakuha mo na ang iyong bagong yaman o source income ay hindi dapat biglang tataas ang paraan mo ng pamumuhay. Ang mainam na istratehiya ay panatilihin ang lifestyle at unti unting itaas batay sa nadaragdag mong financial portfolio na makapagbibigay ng iyong passive income.
Sa lalong madaling panahon na pagsunod mo sa 5-15-20-60 budgeting rule, mapabibilis rin ang pagkakamit mo ng financial security, ang pinakahuli sa financial stages.
Galit sa Mundo
Pesimistiko ang mga taong galit sa mundo. Lagi silang nakakiling sa madilim na bahagi ng mga bagay at ayaw tingnan ang liwanag.
Walang anumang panghihikayat ang magtatagumpay dahil laging sarado ang kanilang isip. Ang mga taong ito ay karaniwang mareklamo ngunit wala namang ginagawa para malutas ang problema.