was successfully added to your cart.

Cart

Mga dapat gawin para maka-book ng “Piso Fare”

Mahalaga ang bakasyon sa buhay ng tao. Ito ay naka-rejuvenate at recharge sa ating isip, puso at isipan. Sa marami, ang bakasyon ay panahon para magpahinga.

Isa sa mga nauusong uri ng pagbabakasyon ay ang pagbisita sa iba’t-ibang lugar. Dahil nagiging abot-kaya ang pamasahe sa eroplano at dumarami ang paraan upang magkaroon ng murang tirahan sa destinasyon, maraming nagbabakasyon sa iba’t ibang lugar.

Pero siyempre, kailangan pa ring isaalang-alang ang budget kapag nagbabakasyon. Ang budget para sa bakasyon ay hindi dapat lalagpas sa isang katumbas ng isang buwang kita kada taon.

Para makatipid, maiging maka-book tayo sa mga Piso fare promo ng mga airline companies. Narito ang aking mga tips.

Magplano at maghanda nang maaga

Wala pa ring tatalo sa pagpa-plano at paghahanda nang maaga. Ang ibig sabihin nito, paghandaan ang bakasyon anim hanggang siyam na buwan bago ang target date ng bakasyon. Sa ganitong paraan, makakapaghanda nang maayos na budget at maabangan natin ang tamang tiyempo ng pagbu-book.

Magdesisyon ng iba’t-ibang aternatibong lugar o target date para sa bakasyon. Mahirap mag-book kung sa araw mismo ng Piso fare sale ka pa lang magiisip ng mga maaring dates ng iyong bakasyon at kung saan ka pupunta.

Kumuha ng debit o credit card

Ang mga piso fares ngayon ay nabibili lamang sa mga websites o apps sa cellphone ng mga airline companies. Kung wala kang debit card o credit card, hindi ka makakabili.

Kaya mahalagang nababayran nang buo ang balance ng credit card at magipon nang sapat para siguradong may karga ang debit card at kapag dumating ang Piso fare sale. Paalala lang na magingat sa mga online transaction gamit ang mga card na ito kasi naglipana ang phishing schemes.

Mag-abang sa mga holidays

Karaniwang naglalabas ng mga promos ang mga airlines kapag may parating na holiday. Maganda na i-follow ang kanilang mga social media accounts at mag-sign up sa kanilang mga membership loyalty programs upang maunang malaman ang kanilang mga anunsiyo.

Bilis kamay

Mabilis magkaubusan ang tickets sa mga promos tulad ng Piso fare dahil iilang tickets lang naman talaga ang naka-sale. Kaya kinakailangang maging bihasa sa pagbu-book. Siguraduhing mabilis ang iyong internet connection.

Maigi rin na gawin ang booking sa madaling araw kung saan kakaunti ang nagbu-book at mas mabilis pa ang internet speed. Ihanda rin ang iyong impormasyon at impormasyon ng iyong mga kasama para mabilis ang pag-enter ng mga impormasyon.

Ang mga impormasyon na kakailanganin mo ay ang mga sumusunod: full name (kung paano nakasulat sa passport); birth date; email address; contact number; passport number at passport expiry date.

Kami sa opisina, kapag nagbu-book ng promos, dalawa hanggang tatlo ang sabay-sabay na nagbu-book para sigurado. Sa katunayan, ang buo kong empleyado sa Maynila (19 kami lahat), mula messenger hanggang sa Presidente, ay magbabakasyon sa Bangkok ngayon Agosto.

Enjoy booking and enjoy your vacation!

vincerapisura.com


3 Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: