Ang tatlong napakahalagang kailangang tingnan sa pinapautangan ay ang tinatawag na character o pagkatao; capacity to pay o kakayahang magbayad; at capital o sariling pera.
Character
Ang character ay nagpapakita kung mapagkakatiwalaan ang isang mangungutang. Kadalasan malalaman ang character sa kaniyang pakikisalamuha at pakikisama sa mga tao.
Magandang source ng character reference ang mga kamag-anak, kaibigan, kapitbahay at ka-trabaho ng isang tao upang magkaroon ng ideya sa kaniyang character. Hindi sapat na character lamang ang basehan ng pagpapautang.
Kailangan ding tingnan ang kakayahan ng isang taong magbayad sa kaniyang utang. Makikita ito sa pamamangitan ng pagkilatis kung papaano siya kumikita ng pera at kung paano niya ito ginagasta.
Capacity to pay
Mas maganda kung ang pinapautangan ay may maraming sources of income. Ang ibig sabihin nito ay marami siyang mapagkukunan ng pambayad sa iyo.
Halimbawa, mayroon siyang permanenteng trabaho at bukod pa dito ay mayroon siyang maliit na negosyo at suma-sideline pa paminsan-minsan. Kung ang pinagkakakitaan ay isa lang, mas malaki ang tiyansa na hindi ka mabayaran kasi iisa lang ang inaasahang panggagalingan ng pambayad.
Makakatulong din kung ang pinapautangan ay may kasamang kumikita sa tahanan o may multiple source of income ang household. Sa ganitong paraan, hindi man sa pinautangan mo mismo makakasingil, maaring makatulong sa kaniya ang mga kasama niya sa tahanan tulad ng asawa, mga magulang , kapatid at anak.
Ang pinakasimpleng paraan ng pagkilatis sa paggasta ng isang tao ay sa pagkumpara sa lifestyle mo sa nangungutang sa iyo. Halimbawa, may nangungutang sa iyo dahil gipit siya at pareho lang kayo ng antas sa buhay pero ang mga kagamitan niya ay mas magarbo kasysa sa iyo, senyales ito na may hindi siya magandang paraan sa paggasta o paghawak ng pera.
Capital
Ang capital o kapital ay sariling pera o ang counterpart ng umuutang sa paggagamitan niya ng balak utangin sa iyo. Siguraduhing hindi manggagaling lahat sa uutangin sa iyo ang pondo para dito, mawawalan kasi ng stake ang nangungutang kapag ganito ang nangyari.
Alamin kung magkano ang kabuuang kakailanganin sa balak pondohan at alamin kung magkano ang manggagaling sa sariling pera pera o kapital ng nangungutang sa iyo at magkano naman ang popondohan ng inuutang galing sa iyo.
Mas maganda kung mas malaki ang kapital ng nangungutang kaysa sa uutangin niya sa iyo. Patunay ito na committed siya sa kaniyang gagawin dahil malaki ang stake o “taya” niya dito.
Halimbawa, sa pagtatayo ng negosyo, hindi maagandang 100% ng kakailanganin sa pagtatayo ng negosyo ay manggagaling sa iyo. Kapag nalugi ang negosyo, hindi ka mababayaran at walang nawala sa nangutang sa iyo.
Ganun din sa mga utang sa mga pangangailangan. Kunyari ang kapatid mo ay nangutang ng pampaaral sa kaniyang anak at lahat ay inuutang sa iyo. Ang ibig sabihin nito ay inaako mo ang responsibilidad ng pagaaral sa mga pamangkin mo at nawalan ng responsibilidad ang kapatid mo.
Bibigyang diin ko ulit, kailangan may counterpart na kapital ang umuutang.
Be responsible in lending money
Ang responsibilidad sa paniningil ay nasa nagpapautang. Kung mahina ang loob na maningil, umiwas magpautang dahil maari itong makasira ng relasyon.
Laging pagtutununan ng pansin at bibigyan ng ibayong pag-iingat sa pagsuri sa mga nangungutang sa iyo sa pamamagitan ng character, capacity to pay at capital, makakaiwas tayo sa pagkalugi sa pautang at mapapanatili din natin ang magandang relasyon.
See also: