Ang may responsibilidad sa paniningil ay ang nagpautang hindi ang nagutang. Kaya napakahalagang suriing mabuti ang pinapautangan upang siguraduhing siya ay makakabayad.
Kapag hindi ginawa ang assessement sa character and capacity to pay sa pinautangan mo, maaring sa isa sa mga ito niya gamitin ang pinahiram mong pera kaya hindi siya nakakabayad.
Pinambili ng wants
Ito ang malimit na dahilan sa pagkawaldas ng pera kaya kinakapos at napipilitang mangutang. Pansinin ang lifestyle ng mga may utang na hindi nababayaran, kadalasan ay mas magarbo ang kanilang pamumuhay kaysa sa nagpautang.
Pinakamaganda kung ang wants ay tutustusan ng passive income. Pinakamasama kung ang gamit sa pambili ng wants ay utang.
Pinambayad sa ibang utang
Karugdngtong ng pinambili ng wants ang utang, ang mga hindi marunong humawak ng pera ay kadalasang nangungutang para may ipambayad sa iba pa nilang utang. Malamang ay hinahabol na rin sila ng iba pa nilang pinagkakautangan.
Ginamit sa emergency
Ang tamang pananggalang sa emergency ay insurance at savings, hindi loan o utang. Dapat ay last resort ang utang sa panahon ng emergency.
Tandaan ang pangunahang rule sa pangungutang—dapat ito ay ginagamit sa isang bagay na kumikita. Ang emergency ay isangn bagay o pangyayari na hindi kumikita kaya mahirap maningil kung ito ang dahilan ng pangungutang.
Pangsimula ng negosyo
Hindi maganda na ang simulain ng isang business ay utang, lalung-lalo na kung karamihan sa kapital na gagamitin ay utang. Maganda ang intensyon ng pangungutang na ito dahil ito ay produktibo.
Ngunit pinakamaganda kung ang kapital sa negosyo ay magsimula sa ipon ng negosyante. Hikayatin ang nangungutang na kumuha ng investors kaysa mangutang kung kulang ang kapital para sa negosyo.
Basahin ang aking blog post tungkol sa pagkilatis sa pinapautangan upang makasigurong makasingil.