was successfully added to your cart.

Cart

Magkano mo binebenta ang oras mo?

Madalas naka-focus lang ang mga tao sa pag-intindi na pera ang ginagastos. Sa katunayan, hindi lang pera ang ginagastos natin, we also spend time and energy.

Magandang sagutin ang tanong na, “Magkano mo binebenta ang oras mo?” kung nahaharap sa pagdedesisyon. Maipapakita kasi nito kung ano ang mga pagpapahalaga mo sa sarili mo.

Labor market

Ang labor market ay ang pagkakaroon ng supply at demand sa trabaho. Dito nagkakaroon ng pagkakasundo ang employer at employee sa presyo ng trabahong gagawin ng employee.

Nagbibigay ng rate o bayad ang employer sa mga gusto nitong ipagawa; at ito naman ay tinatanggap ng mga employees base sa kagustuhan nilang makuha ang bayad. Kung sa tingin nila ito ay magandang presyo o makatarungan, tatanggapin nila ito.

Minimum wage

Para maiwasan ang pang-aabuso ng mga employers sa mga ibinabayad sa employees, nagtatalaga ang gobyerno ng Pilipinas kung magkano ang minimum wage o pinakamababang bayad sa mga manggagawa para mabigyan sila ng maayos na pamumuhay. Kung sapat ito o hindi, ay isang debateng sasagutin natin sa ibang pagkakataon.

Para sa mga minimum wage earners na kumikita ng PhP10,000 kada buwan, ang kanilang hourly rate ay PhP62.50 (PhP10,000/160 hours of work per month). Ibig sabihin, ito ang presyo na willing silang magtrabaho kapalit ang suweldo.

Daily rate

I suggest that you determine your daily rate – magkano ang presyo ng isang araw mong pagtatarabaho? Gamitin itong benchmark sa pagpaplano sa buhay at paggawa ng desisyon. (Read: Paano gumawa ng financial plan)

Sa example nating minimum wage, ang daily rate na lumalabas ay Php500.00.

Kilalanin ang sarili

Mahalaga ang pagkilala sa sarili para mapadali ang pagdedesisyon at makakatulong ang daily rate paggawa nito.

Halimbawa, niyaya ka ng iyong mga kaibigang magbakasyon at kakailanganin mong mag-leave sa trabaho para makasama. Tatlong araw tatagal ang bakasyon. Kung minimum wage earner, ang tradeoff ay mawawalan ng PhP1,500 sa tatlong araw.

Sa taong PhP100,000 ang kinikita kada buwan, nasa PhP5,000 ang kanilang daily rate. Imagine kapag ito ay PhP1 million. Makikita na habang tumataas ang kinikita, nagmamahal ang daily rate ng mga tao.

Kung alam mo ito, mas madali sa iyo ang magdesisyon. Sa halimbawang ibinigay ko kanina, maaring magsabi ng hindi sa bakasyon kasama ang mga kaibigan. Pero kung pamilya ang kasama, maaaring magbago ang isip at sumama sa bakasyon.

Mas mataas kasi ang pagpapahalaga natin sa pamilya kaysa sa mga kaibigan. Kaya kahit pa mawala ang daily rate mo basta’t makasama ang mga minamahal sa buhay, mas sulit ito.

Decide how you spend your time

Kanya-kanya naman tayo ng kasiyahan at ikaw lang ang makapagsasabi kung nagamit mo nang tama ang oras mo kapalit ng pera o ng iba pang bagay. Hindi lahat ng bagay ay nabibili pero magandang magkaroon ng indicator para at least ay may comparison na magagawa.

Ano ang mahal sa iyo?

Bilang gabay, binabalikan ko ang tulang “Falling in love” ni Fr. Arrupe, isang Jesuit priest. Ito ang nakalagay sa paborito kong talata:

It (Love) will decide
what will get you out of bed in the morning,
what you do with your evenings,
how you spend your weekends,
what you read, whom you know,
what breaks your heart,
and what amazes you with joy and gratitude.

Kaya alamin mo kung ano ang mga minamahal mo at tingnan kung sulit ba ito sa presyo ng oras mo.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: