Magkano dapat ang interest sa housing loans para sa mahihirap?
Imperfect socialized housing finance market structure
Hindi pinapansin ng mga commercial banks ang pagpapautang sa mga mahihirap dahil hindi ito viable para sa kanila. Mataas daw ang risk at loan administration.
Dito natin nakikita ang imperfect structure ng socialized housing finance. Ang mga commercial banks na may kakayahang magbigay ng mababang interest ay hindi ito pinapasok. Samantala mataas naman masyado ang interest ng mga MFIs para dito.
Role of microfinance institutions
Dahil ang mga MFIs ang may expertise sa pagbibigay ng financial services sa mahihirap, maaari itong makipag-partner sa Pag-IBIG para gawing miyembro sa Pag-IBIG ang mga kliyente nito. Ang MFI ang mangongolekta ng Pag-IBIG contributions ng mga mahihirap.
Kapag mabibigyan ng loan ang Pag-IBIG member na ito para magpatayo o bumili ng bahay, maaring kunin ng Pag-IBIG ang microfinance institution bilang collection agent nito. Mabibigyan na lamang ng commission ang MFI sa kaniyang makokolekta.
Role of Pag-IBIG
Hindi naman kinakailangang akuhin lahat ng MFI ang pagpapautang sa mga mahihirap. Para sa akin ang housing loan ay dapat mura kaya dapat gamitin ang tulong na makukuha sa gobyerno.
Mahalaga ito para sa MFI dahil ang maayos na tirahan para sa kaniyang kilyente ay nangangahulugang hindi siya lilipat ng bahay at protektado ang pamilya ng kilyente sa sakuna. Mababawasan ngayon ang external causes of delinquency.
Ang Pag-IBIG ang siyang dapat mag-absorb ng risk ng loan losses sa socialized housing dahil ito ay isang government entity. Mas may tools itong magagamit kaysa kung iaasa lang ito sa pribadong sector.
Role of private sector
Pero hindi kakayaning tugunan ng Pag-IBIG ang malaking budgetary requirement para dito. Tinatayang nasa PhP2.7 trillion lahat ang kailangan upang tugunan ang 6 million housing backlogs.
Dito papasok ang private sector katulad ng commercial banks at capital markets. Maaring mag-invest ang mga commercial banks sa mga securities ng Pag-IBIG. Maa-afford naman ng mga commercial banks ang kaunting returns dahil halos wala na rin naman silang ibinabayad sa interest sa kanilang mga nakukuhang deposito sa publiko.