Trento, Agusan del Sur – Ang socialized housing loan ng Pag-IBIG ay nagbibigay ng 3% per annum na interest kada taon. Ito ang pinakamababa sa market. Itinuturing na socialized housing loan ang mga loan sa pabahay na hindi lalampas sa PhP450,000 ang loan amount.
Tinatarget ng socialized housing ang mga low income groups katulad ng mga minimum wage earners at mga self-employed na hindi kumikita ng higit pa sa minimum wage. Layunin nito na matugunan ang mahigit 6 million na backlog sa pabahay sa Pilipinas.
Para sa akin, maganda ang ginawa ng PagIBIG na ibaba ang interest rate para sa socialized housing para mas maging abot-kaya ito sa mga mahihirap. Kung ako nga ang masusunod, paglalaanan ko pa ito ng subsidy dahil ang bahay isang basic need.
Microhousing
Ang pinakamababang interest sa microhousing ay 15% per annum. Sa katunayan, pareho lang ang interest ng karaniwang microfinance institution sa kanilang livelihood loans at microhousing loans na papatak sa 36% per annum. Kadalasan, pinapahaba lang ang panahon ng pagbabayad sa microhousing dahil ito nga ay non-earning.
Hindi ko naman masisi ang mga MFIs sa ipinapataw nilang interest dahil sa maraming costs involved – cost of funds, administrative costs, loan losses, inflation at siyempre ang capitalization for growth. Kailangan nila itong ma-cover para maging financially sustaninable.
Iyon nga lang, ang translation ay napakataas na interest rate para sa mahihirap.