was successfully added to your cart.

Cart

Magkano dapat ang cellphone na afford mo?

Ang cellphone ngayon ay maituturing nang basic necessity o pangunahing pangangailangan. Gamit na kasi nang halos lahat ang cellphone sa komunikasyon.

Mahalaga ang komunikasyon dahil napagyayabong nito ang relasyon pati na rin ang negosyo. Kaya ang magandang itanong, magkano dapat ang cellphone?

Business use versus personal use

Para malaman natin kung magkano ang cellphone na afford mo, kinakailangan nating malaman kung ito ay gamit sa negosyo o gamit personal lamang. Iba kasi ang pamantayan na gagamitin sa calculation kung ito ay para sa personal or business use.

Ginagamit ang cellphone sa negosyo kung ginagamit mo ito upang makipag-usap sa mga kliyente, suppliers, mga manggagawa mo at iba pang mga kinakailangang kausapin sa pagnenegosyo.

Personal use naman ang gamit sa cellphone kapag ito ay ginagamit lamang sa pakikipagusap sa mga kapamilya, kaibigan at mga ka-trabaho.

Cellphone for business use

Kapag ang cellphone ay ginagamit para sa negosyo, kinakailangang siguraduhing kayang bayaran ng kita galing sa negosyo ang pambili sa cellphone pati na rin ang bill na babayaran kasangkot dito.

Kinakailangang sundin ang prinsipiyo ng matching sa accounting kung saan kinakailangang i-report ng negosyante ang gastos sa parehong takdang panahon o period ng mga may kaugnayang kita. Halimbawa, kung binili ng negosyo ang cellphone ngayong buwan, kinakailangang sapat ang kita sa buwan na iyon na hindi malulugi ang negosyo para tustusa ang pambili sa cellphone.

Dito malalaman kung hanggang magkano lang ang kayang bilhin na cellphone ng negosyante. Kung mas malaki ang kita ng negosyo, mas malaki din ang halaga ng cellphone na maaring bilhin. In contrast, kung maliit ang kita, mababang halaga ng cellphone din dapat ang bibilhin.

Cellphone for personal use

Kapag ang cellphone naman ay gamit pam-personal, ang binibgay ko na guideline ay 25% lang ng buwanang kita ang halaga ng cellphone na kayang bilhin. Kung lalagpas dito, medyo sumusunod tayo sa luho.

Halimbawa, kumikita ka ng minimum wage o approximately PhP10,000 kada buwan, ang halaga ng cellphone mo ay hanggang PhP2,500 lang. Kapag PhP100,000 naman kada buwan ang suweldo mo, nasa PhP25,000 naman ang deserve mo na cellphone.

Be content and use passive income

Bakit ganito ang rekomendasyon ko?

Una, ito ay para matuto tayong maging kontento sa mga kagustuhan natin sa buhay sa pamamagitan ng simpleng bagay at maiwasang madala sa inggit o kaya naman ay pagnanasa. Mahalagang nalalaman natin ang ating limitasyon para makapag-desisyon  tayo nang maayos sa paghahawak ng ating pinaghirapang pera at hindi mauwi sa pagwawaldas nito.

Pangalawa, nais kong bigyang diin ang paggamit ng passive income upang pantustos sa pambili ng ating mga wants o ng mga layaw. Hindi ko minamasama ang mga wants.

Kung nagbabasa kayo ng aking blog, malalaman niyong pinapaamit ko ang wants bilang inspiration at motivation para mag-impok at mag-invest. Aminin natin na ang mga wants ang nakakapagbibigay ng karagdagang saya at ligaya sa ating buhay.

Basahin ang “Epektibong paraan upang matustusan ang wants” upang maliwanagan kung paano gumagana ang passive income para dito. Binigay ko naman bilang halimbawa ang iPhone sa article na “Afford mo ba talaga ang iPhone mo?” bilang paglalarawan kung paano bibili ng cellphone.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: