was successfully added to your cart.

Cart

Magkano ba dapat ang budget para sa regalo?

Parating na ang holiday season kaya maraming naghahanda na ng kanilang budget panregalo para sa mga anak, inaanak, iba pang kapamilya at pati na rin mga kaibigan. Ang mga OFWs ay ready nang ipadala ang kanilang mga balikbayan boxes dahil ito daw ang kanilang expression of love.

So, magkano ba dapat ang budget panregalo?

Dahilan ng pagreregalo

I think the question is not how much, but should be why you are giving a gift. Kapag kasi nasagot natin kung bakit tayo magbibigay ng regalo mas madaling malaman kung ano ang angkop na regalo.

Specific purpose

When answering why, be very specific and avoid general statements.

Halimbawa ng general statement ay – dahil family member mo sila; kaibigan mo kasi; o mahal mo sila. Very abstract ang dating ng mga dahilang ito.

Useful gift

Kapag magbibigay ng regalo, alalahanin na ang binibigyan dapat ang matutuwa, hindi ikaw. Maraming beses ko nang napatunayan na hit or miss ang pagbibigay ng regalo.

May mga regalo akong binigay sa aking mga magulang na akala ko ay mapapasaya sila pero they have other things on their mind. Mas maganda na lang na tanungin kung ano ang gusto nila para hindi na maghulaan at masayang ang pera sa trial and error.

Basta siguraduhing magagamit ang regalong ibibigay mo para hindi sayang. Madalas na pagkakamali dito ay ang pagbibigay ng mga mamahaling laruan sa mga batang wala pang muwang sa mga ibinibigay na regalo sa kanila.

For example, yung one year old kong pamangkin nireregaluhan ng malaking truck. Mas natuwa pa siyang laruin ang napunit na gift wrapper nito kaysa sa truck mismo.

Gets niyo ba?

Go beyond material things

Sa family namin, maaga naming na-realize na hit or miss activity ang gift giving. So what we did is to save up money we would have spent for gifts so that we can go on vacations together.

Mas mahalaga pa rin kasi sa amin ang pagiging together. Walang makakapalit sa endless kuwentuhan, chikahan at kainan. Pareho din naman kaming natuwa and made fun memories.

Kaya ako, time and presence ang kadalasang ibinibigay kong regalo. At the end of the day ang masayang samahan at salo-salo ang maalala at hindi ang mga regalo.

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: