was successfully added to your cart.

Cart

Magkano ang puwedeng makuhang loan sa Pag-IBIG Housing Loan

By March 29, 2018 Loans, Pag-IBIG

Ang maximum loan amount sa Pag-IBIG Housing loan ay PhP6 million. Ito ay kukunin sa pinakamababa sa mga sumusunod: desired loan amount, capacity to pay at loan to appraised value ratio.

Desired loan amount

Ang desired loan amount ay ang halaga ng loan na nais mo o ang loan amount na gusto mong makuha.

Capacity to pay

Lahat ng mag-aapply ng Pag-IBIG housing loan ay susuriin ang kanilang kakayahang magbayad o capacity to pay.

Kung ang housing loan na kukunin ay mas mababa sa PhP1,250,000, hindi dapat lalagpas sa 35% ng kaniyang monthly gross income ang monthly repayment o amortization. Ang gagamitin naman ay 30% kapag ang loan ay lalagpas ng PhP1,250,000.

Para sa mga kawani ng gobyerno na magbabayad sa pamamagitan ng salary deduction, ang net take home pay ay hindi dapat bababa sa naitalaga ng General Appropriations Act.

Tacked loans

Kung hindi kakayanin ng borrower mag-isa ng kaniyang monthly income ang mas malaking loan para mabili ang nais na bahay, maaaring mag-apply sa pamamagitan ng tacked loan. Ito ay kung saan hanggang tatlong tao, magkamag-anak o hindi, ay maaaring mag-apply para makabili ng property.

Read: Pag-IBIG tacked loan

Loan-to-Appriased-Value (LTV) Ratio

Ang appaised value ay ang halaga ng property sa kasalukuyang (prevailing) market rate. Ginagawa at inihahanda ng isang licensed appraiser ang appraisal value ng isang property. Malamang ay may listahan ng mga accredited appraisers ang Pag-IBIG.

Kung ang loan amount ay hanggang PhP1 million, 95% ang maximum na LTV ratio. Ibig sabihin ang appraised value dapat ng property ay PhP1,052,631 at the minimum. Kapag PhP1 million hanggang PhP6 million, ang LTV ratio ay 90%; at 85% naman ang LTV ratio kapag mas mataas sa PhP6 million ang loan.

Para sa mga socialized housing loan, ang LTV ay maaring hanggang 100%. Siguraduhin lang na ang license to sell ng developer ay classified itong socialized housing at ang loan puropse ay pambili ng residential unit.

Housing Rule

Ano pa man ang nais na bilhing residential unit, laging balikan ang aking 3-20-20-20 housing rule. Ang loan amount mo ay hindi dapat lalagpas sa tatlong taong kita; maximum of 20 years to pay; mag-ipon ng 20% equivalent down payment ng property value; at ang loan amortization ay dapat hindi lalagpas sa 20% ng buwanang kita. (Watch: Guide in buying a house)

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: