Oo, naman. Basta legal.
Registered with government agencies
Kung gagawing negosyo ang pagpapautang, kinakailangang ito ay rehistrado as a lending or financing company sa Securities and Exchange Commission at sa Bureau of Internal Revenue. Kung hindi ito rehistrado, ito ay illegal.
Ang minimum capitalization for a lending company ay PhP1 million at PhP2.5 to PhP10 million naman para sa financing companies. Bukod dito, kailangan mong i-remit sa BIR ang VAT collections mula sa interest na ipinataw mo at 30% naman ang income tax rate.
Kailangan ding kumuha taon-taon ng business permit sa munisipyo o city hall. Dagdag din dito ang mga compliance requirements sa SSS, Pag-IBIG at PhilHealth.
Malalaman na negosyo ang pagpapautang kung ang kita nito ay malaking bahagi na ng regular mong income at ang pamamalakad nito ay ginagawa mo na halos araw-araw. Pag pinapaikot mo na ang nakolekta mong bayad para ipautang ulit, senyales din ito na negosyo na ang pagpapautang.
Bookkeeping
Kung ang pautangan mo ay naka-asa lang sa lista-lista sa notebook, malamang ito po ay hindi sapat para i-comply kung ano ang naaayon sa batas, lalo na sa mga reportorial requirements sa SEC at BIR.
Dapat may designated bookkeeper na nagre-record ng lahat ng transactions ng lending business. Nakalagay ito sa maayos na ledger at nakaka-generate ng monthly reports at the very least.
Documentation
Ang negosyong pautangan ay masasabing maayos kung may mga sumusunod:
- Loan application form
- Loan agreement
- Official receipt bilang katibayan ng pagbabayad