Nauuso ngayon ang pagbebenta ng mga hospital stocks dahil bukod daw sa maganda itong investment ay marami pa itong medical benefits na maaring ibigay sa nagmamay-ari ng stock. Isa kasi sa mga priority natin ay protektahan ang ating kalusugan at isang mabisang paraan daw na mapababa ang medical bills sa pamamagitan ng pagkakaroon ng hosptal stock.
Paano makakabili ng hospital stock
Karaniwang may mga packages na ipinapakita ang mga nagbebenta ng hospital stocks. Habang lumalaki ang halaga ng binibiling stock, mas dumarami ang benepisyong ibinibigay.
Makipagugnayan sa coporate affairs office ng hospital upang malaman kung maaring makabili ng hospital stock sa kanila. Sila ang makapagbibigay ng accurate information kung maari silang magbenta ng hospital stock.
Babala mula sa SEC
Nauna nang naglabas ng advisory o babala ang Securities and Exchange Commission (SEC) tungkol sa mga tao at organisasyong nagbebenta ng hospital stock pero wala pang secondary license mula sa anila. Bawal kasi ito sa batas, kinakailangang mai-rehistro at maaprubahan muna ng SEC ang mga hospital stocks, bago ito puwedeng maibenta sa publiko.
Ayon sa babala ng SEC, ang karaniwang nagbebenta ngayon ng hospital stock ay yung mga nagtatayo pa lang o under cinstruction pa lang ang mga hospital. Sa aking interpretasyon, tila nagiging “pre-selling” ang dating ng pagbebenta ng stocks.
Mula January 2018, dalawang hospital pa lamang sa buong Pilipinas ang banigyan ng pahintulot ng SEC na magbenta ng hospital stocks. Kaya ibayong pag-iingat ang dapat gawin.
Benefits ng hospital stocks
Ito ang mga ipinapangakong benepisyon makukuha kapag bumili ng mga hospital stock: libreng o discounted hospital room; discount sa professional fees ng mga doctor at iba pang medical practitioners; libre o discounted na operating room, delivery room at emergency room fees; discount sa pharmacy; at libre o discounted na dental services.
Ang mga benepisyo ay ibinibigay hagangbuhay. Transferable din ang mga nasabing mga benepisyo. Bukod dito, maari pang kumita sa dibidendo ng stock kung maganda ang kita ng hospital.
Dahil sa mga benepisyong ito, marami ang naaakit na mag-invest.
Magandang panghalili sa health insurance
Kung totoo ang mga ipinapangakong benepisyo ng mga hospital stock, maganda itong panghalili bilang dagdag sa health insurance. Ganito ang mangyayari, mauuna munang ibabawas ang covered ng PhilHealth sa total bill sa hospital, pagkatapos ay ang benefit na makukuha sa hospital stock, ang matitira ang siyang iko-cover ng health insurance.
Maging maingat sa pagbili ng hospital stock
Siyasatin kung ang ipinapangakong benepisyo ng hosital stock ay realistic base sa hinihinging investment. Kung masyadong mataas ang ipinapangako, senyales ito para sa akin na maaring scam o kaya naman ay hindi kagalingan ang business model ng hospital.
Alalahanin, if it is too good to be true, it probably is to good to be true.
Mag-focus din sa kung paano makakayanang ibigay ng hospital ang mga ipinangakong benepisyo at iwasang mapako lang sa mga benepisyong ipinapangako nito. Siguraduhin ding bumili lamang ng hospital stocks mula sa mga hospital na binigyan na ng SEC ng secondary license sa pagbebenta nito.
Makati Med and The Medical City
Yan din ang tanong ko. Sinong mga ospital ba merong hospital stocks?
Anu po ba ang hospital na may license napo sa pg benta ng hospital stocks?ty