was successfully added to your cart.

Cart

Life Insurance

By August 28, 2018 Insurance

Usapang Pera Season 3 Episode 4

Kung may mangyari sa’yo ngayon (knock on wood), secure ba ang mga mahal mo sa buhay? 

—–

Sir Vince: So, ikaw, may life insurance ka ba?

Atom: Meron akong life insurance. In fact, I have three.

Sir Vince: Wow!

Atom: A little proud of that fact pero ang question ko ngayon, sobra ba? Kulang? Tama ba yung kinuha kong insurance?

Sir Vince: Right. Sige. So, hopefully, masagot natin yung mga tanong mong yan today. Okay.

Sir Vince: Insurance is protection primarily for things that are unexpected, mga hindi inaasahang bagay. Sa kalamidad ‘no, for example, at meron itong dalawang klase: life insurance at tsaka non-life insurance. 

Sir Vince: May dalawang general categories ang insurance: life at non-life. Ang life insurance ay may kinalaman sa pagkamatay ng isang tao. Ang non-life o general insurance naman ay hindi saklaw ng life insurance tulad ng property insurance, accident insurance, health insurance, travel insurance, at marami pang iba. 

Sir Vince: So, pag life insurance, sa tingin mo, para saan ito?

Atom: Pag ikaw ay namatay, makakakuha ka ng salapi. 

Sir Vince: Yes… yes… yes. Oo, makakakuha ka ng claim or ng benefit. So, yung life insurance ay anything that has to do with your life ‘no so kailangan may mamatay para makuha yun. Yung sa non-life naman, karaniwan nito ay property insurance ‘no so meron tayong car, property insurance, theft, accident, travel insurance ay kasama din dito. Kasama din ang medical ‘no at health insurance dito sa non-life. 

Sir Vince: Kailangan mo ng life insurance kung meron kang dependents, may maipapasa kang utang sa iyong pagkawala at kung ang asawa o partner ay hindi self-sufficient. 

Sir Vince: So, para siguro liwanagin natin, isa-isahin natin kung kailangan mo ba talaga ng insurance o wala. So, una, meron kang dependents o wala? Kapag health insurance, kapag ikaw ay may dependents at walang dependents, kailangan mo ba yun? Sa tingin mo? 

Atom: Yes, of course dahil sa iyong kalusugan. 

Sir Vince: Right. So, kailangan yun kahit wala kang dependents kasi nakakahiya naman ‘no na kapag ikaw magkasakit, aasa ka pa sa magulang mo or mangungutang ka to take care of yourself. So, kailangan maging responsable and get health insurance.

Sir Vince: Another form of health insurance is what we call the HMO or ang ating Health Management Organization. Ito naman ay sa preventive care. Yung health insurance kasi, normally, pang-emergency care siya. Okay? So, kung importante ‘to sa mga walang dependents mas importante pa ito sa mga may dependents.

Sir Vince: Kailangan natin ng health insurance tulad ng preventive at emergency care habang tayo ay nabubuhay. 

Sir Vince: Kasi, talagang maapektuhan yung kanilang pamilya kapag sila ay tinamaan ng sakit. How about life insurance? may dependents, walang dependents, sinong may kailangan nito? 

Atom: Well, ngayong nag-uusap na tayo, kung wala kang dependents, hindi mo pa kailangan ng life insurance dahil wala naman kailangang pagbigyan ng benefit. 

Sir Vince: Right and tama yun ‘no so dahil income replacement siya. 

Sir Vince: Marami sa atin ang gustong yumaman agad dahil sa hirap ng buhay pero para sa akin, ang pinakamabilis pa rin na paraan sa pagyaman ay kung magdadahan-dahan. 

Atom: Kaya maiging paghandaan ang ating hinaharap sa pamamagitan ng dagdag kaalaman sa pag-iipon, tamang pangungutang, at pag-iinvest. Ako si Atom Araullo.

Sir Vince: Ako naman si Sir Vince nagsasabing…

Sir Vince and Atom: Ang pagyaman, napag-aaralan.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: