was successfully added to your cart.

Cart

Iba’t-ibang klase ng bangko sa Pilipinas

Ang Philippine banking system ay binubuo ng universal and commercial banks, thrift banks, rural banks at ccoperative banks.

Universal and commercial banks

Ang may pinakamalaking may hawak ng resources ng Philippine banking system ay ang mga universal and commercial banks. Nagbibigay ng pinakamalawak at samutsaring banking services ang mga ito.

Dagdag pa dito, awtorisado rin ang mga universal and commercial banks sa underwriting at iba pang functions ng investment houses.

Thirft banks

Ang thirft bans ay binubuo ng mga mortgage banks, private development banks, stock savings and loan associations at microfinance thrift banks. Lumilikom ng savings mula sa mga depositors ang mga ito at ginagamit na pang-invest.

Nagbibigay din sila ng short term working capital at medium to long term financing sa mga negosyong nasa mga sumusunod na sektor: agriculture, services, industry and housing at diversified financial and allied services. May partikular na focus ang thirft banks sa mga indibidwal at mga small and medium enterprises.

Rural and cooperative banks

Ang pinakapopular na klase ng bangko sa kanayunan ay ang mga rural banks at cooperative banks. Tungkulin nilang itaguyod at palawakin ang ekonomiya sa kanayunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng basic financial services dito.

Tumutulong ang mga rural banks at cooperative banks sa mga magsasaka sa iba’t-ibang yugto ng produksyon mula sa pagbili ng binhi hanggang sa marketing ng kanilang mga ani.

Mga pribadong individual ang nagmamay-ari at nagpapatakbo ng rural banks samantalang mga kooperatiba at pederasyon ng mg akooperatiba ang nagmamay-ari at nagpapatakbo sa mga cooperative banks.

All licensed by the BSP

Ang lahat ng bangkong ito ay binibigyan ng lisensiya ng Bangko Sentral ng Pilipinas ng authority to operate. Habang may lisensiya pa ang anumang klase ng bangko, ibig sabihin ay pumapasa ito sa strict regulation and supervision ng BSP.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


%d bloggers like this: