Kailangan mo ng life insurance kung: (1) meron kang dependents; (2) may maipapasa kang utang sa iyong pagkawala; at (3) at kung ang asawa o partner ay hindi self-sufficient.
——
Atom: Naku, so, marami palang mga myths, ‘no na kaakibat itong pagkuha ng insurance
Sir Vince: Right. Oo
Sir Vince: Okay, how about ah life insurance: may dependents, walang dependents, sino ang may kailangan nito?
Atom: Well, ngayong nag-uusap na tayo, kung wala kang dependents, hindi mo pa kailangan ang life insurance
Sir Vince: Right
Atom: …dahil wala naman kailangan pagbigyan ng benefit
Sir Vince: Uh uhm, right. Tama ‘yun, no dahil income replacement sya.
Atom: Pwede bang isa-isahin natin ang mga myths na ‘yan?
Sir Vince: Totoo ‘no, so, so ang unang myth ay kailangan mo ang life insurance habang buhay.
Sir Vince: So, sa tingin mo ba ‘yung mga bata, kailangan nila ng insurance, mga sanggol?
Atom: Parang hindi naman.
Sir Vince: Right
Atom: hmm
Sir Vince: Kasi ang mga sanggol at ang mga bata hindi pa kumikita, so wala pang economic repercussion kapag sila ay mawala, ‘no. Knock on wood na kung sila ay mamatay.
Atom: Ah, I see, that makes sense
Sir Vince: Pero, kailangan ba nila ang health insurance?
Atom: Yes!
Sir Vince: Yes, of course! At ah, maaari natin silang kuhanan sa pagkuha ng Family coverage health insurance
Atom: Uh hmm
Sir Vince: Okay
Sir Vince: Tapos, ah, eh paano ang mga retirees, mga matatanda, sa tingin mo, kailangan nila ng insurance?
Atom: Parang ang sagot ay hindi.
Atom: I am assuming at this point parang financially independent na’yung kanilang mga “dependents”, former dependents
Sir Vince: Whether financially independent sila or hindi, ang mas magma-matter ay, meron ba silang dependent?
Atom: Ah huh
Sir Vince: So pagdating nila ng 60, 65 years old, ang, meron ka pang anak below 21 years old…
Atom: Kailangan mo ng insurance
Sir Vince: Kailangan mo ng insurance! Kasi kapag ikaw ay nawala, maaaring ‘yun yung magreplace ng income for them’no.
Sir Vince: Ahm… Ganun din sa kapag may utang ‘no. Let’s say ‘yung bahay n’yo hindi pa fully paid at ahh aahh sakaling ikaw ‘yung mawala, yung life insurance yung pwedeng sasagot doon. Okay.
Pwede ka rin kumuha ng life insurance kung yung partner mo, your husband, your wife, or your partner mo ay hindi sya sufficient, ‘no, hindi sya self-sufficient, nakaasa sya sayo, so dependent pa rin. Kapag ganun ‘yung nangyari, you need life insurance para kung ikaw ay mawala, this person or your spouse can still take care of himself or herself.
Atom: Okay.
Sir Vince: Okay?
Atom: Makes sense
Sir Vince: So, ang retirees o matatanda, kailangan din ba ng health insurance?
Atom: Yes. Hahaha
Sir Vince: Of course!
Atom: Kasi madalas silang magkasakit sa edad na ‘yan
Sir Vince: Oo
Atom: Makakakuha pa ba ng health insurance yung mga may edad?
Sir Vince: I think relevant ito yung very relevant yung sinasabi mo na umpisahan mo ng maaga pa
Atom: uh huh
Sir Vince: okay?
Atom: Uh huh.
Sir Vince: I think ‘no for health insurance, you need this all your life because hindi mo alam kung kailan ka tatamaan ng sakit.
Atom: Uh huh
Sir Vince: Okay. So maganda na umpisahan mo pa habang bata kasi yung premium mo ay ganun kataas kapag okay ang performance in terms of your health.
Sir Vince: Uhm aah, apag naman ikaw ay may utang, ‘no, may credit card debt ka, for example
Atom: Uh huh
Sir Vince: Do you think you need life insurance for that? Kasi sabi ko kanina, kapag may utang, kailangan
Atom: Kung ‘yan ang ang basehan ng aking mga sagot, Grabe, maraming exam dito, ah!
Sir Vince: Hahaha
Atom: Kung meron kang credit card debt, hindi na.
Sir Vince: Yes, kasi clean loan ang credit card, walang kinuhang collateral sa’yo.
Atom: Ayun…
Sir Vince: Marami sa atin ang gustong yumaman agad dahil sa hirap ng buhay pero para sa akin, ang pinakamabilis pa rin na paraan sa pagyaman ay kung magdadahan-dahan.
Atom: Kaya maiging paghandaan ang ating hinaharap sa pamamagitan ng dagdag kaalaman sa pag-iipon, tamang pangungutang, at pag-iinvest. Ako si Atom Araullo.
Sir Vince: Ako naman si Sir Vince nagsasabing…
Sir Vince and Atom: Ang pagyaman, napag-aaralan.
sir it help me a lot
good to know po. ano pong naging desisyon ninyo?
ano ba yan pang bakla…
may problema po kayo sa bakla?