was successfully added to your cart.

Cart

Kailangan ba ng sanggol o bata ang life insurance?

By August 8, 2017 Uncategorized

Marami ang nalilito kung dapat bang may life insure ang sanggol o mga bata. Malamang nanggagaling ang kalituhan sa kagustuhan ng mga magulang na magbigay proteksyon sa kanilang mga anak at ang insurance ay nagbibigay proteksyon.

Life insurance is for protection

Linawin po natin kung ano ang binibigyang protekyon ng life insurance. Ang binibigyang protekyon nito ay ang pagkawala ng kita sakaling may masamang mangyari sa isang tao at malubhang maapektuhan ang kaniyang mga depenents o mga maiiwang responsibilidad.

Children do not have dependents

Hindi kumikita ang halos lahat ng mga sanggol at mga bata. Sila ang mga mga dependents. Hindi sila ang nangangailangan ng insurance coverage, sila ang beneficiary ng insurance coverage.

Kapag namatay ang sanggol o bata, walang financial loss na maituturing dahil hindi pa sila kumikita. May financial loss naman kung ang mga magulang ang mamamatay.

Parents should have life insurance

Hindi tama na ang anak na sanggol o bata ay may insurance at ang magulang, lalung-lalo na ang nagta-trabaho, ay wala.

Ang main function ng life insurance ay income replacement sakaling may masamang mangyari sa income earner. Pinuprotektahan nito ang income na mawawala para sa pakinabang ng mga maiiwan na dependents.

Sa article kong ito malalaman kung anong insurance dapat mayroon ang mga bata.

vincerapisura.com


One Comment

  • Tet says:

    Thank you po for this. Really big help.
    Pwede po ba akong mag tanong king akin po ang amganada tern or permanent/ life time insurance

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: