was successfully added to your cart.

Cart

Kailan dapat bumukod ang mag-asawa upang matutong tumayo sa sariling paa

Likas na malapit at closely-knit ang pamilyang Filipino. Kaya naman kahit na nakapag-asawa na ay nananatiling nakasipi sa mga magulang.

May kinalaman sa pera kung bakit ganito ang nakasanayan. Ang madalas na dahilan ay dahil hindi pa kayang tumayo sa sariling paa ang mag-asawa.

Sa isang banda naman, mas matipid kapag sa iisang bahay nakatira dahil makakabawas sa gastusin sa bahay. Ang matitipid ay gagamitin pang-suporta sa mga magulang.

Within three months

Pero kailan ba dapat bumukod ang mag-asawa?

Para sa akin dapat nakahanda nang bumukod ang mag-asawa sa kanilang mga magulang bago pa sila magpakasal. Kaya kinakailangang pagplanuhan ito nang maaga.

Hindi naman kinakailangang may sarili nang bahay agad. Puwede namang mag-renta muna para bumukod. Ang aking guideline ay maximum of three months lang makitira ang mag-asawa sa mga magulang.

Privacy

Ang unang dahilan ng pagbukod ay dahil sa privacy. Ang bagong mag-asawa ay nasa proseso ng pagkikilanlan sa isa’t isa kaya makabubuting nakabukod at hindi napapakialaman.

Hindi magaalangan ang bagong salta sa pamilya kung nakabukod at malaya ding makakapgusap ang mag-asawa.

Tumayo sa sariling paa

Sa lalong madaling panahon, dapat matuto ang mag-asawang tumayo sa sarili nilang paa. Sa panahon na nakikituloy pa lang, gamitin itong panahong aralin kung paano magpaandar ng bahay nang sa gayon kapag bumukod ay hindi masyadong maninibago.

Kapag nakabukod, mapipilitang lutasin ng mag-asawa ang kanilang mga problema na hindi parating naka-depende sa mga magulang. Sa ganitong paraan, mas magiging responsible sila at madaling matututo sa diskarte buhay.

Exceptions

May mga sitwasyon na wala kasing makakasama ang mga senior citizen na magulang o may sakit na sila at kailangan ng magaalaga. Sa ganitong sitwasyon, tumuloy ang mag-asawa sa mga magulang.

Kapag nagkakaanak din ang mag-asawa ay malaking tulong ang mga magulang at iba pang kasama sa bahay sa pagaalaga ng mga anak. Pero puwede rin naman kung kakayaning ang mga magulang ay pumunta sa bahay ng mag-asawa sa umaga para mag-alaga ng bata. O kaya’y ihatid ang mga bata sa mga lolo at lola sa umaga at sunduin sa gabi.

Sa pamamanhikan, magandang pagusapan na agad kasama ang mga magulang ang planong bumukod upang maiwasan ang tampuhan at hindi pagkakaintindihan.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: