was successfully added to your cart.

Cart

Kaibigang tinanggihan kong pahiramin, nagpasalamat

O di ba? Kailan pa kayo nakarinig na nagpasalamat ang isang tao dahil tinanggihan niyong pautangin.

Ang kabaliktaran ang madalas mangyari, dahil hindi napagbigyan, nagtatampo o kaya ay nagagalit.

Ganito ang nangyari.

Alam ng mga malalapit sa akin na ako ang huli nilang lalapitan sa usapin ng pangungutang. Pinapadaan ko kasi sila sa butas ng karayom kahit pa kaibigan o kamag-anak ko sila.

Ika nga, I should practice what I preach.

Nilapitan ako ng malapit kong kaibigan at humihiram ng malaking halaga. Nasa apat na milyon lang naman.

Mag-asawa sila.

Siyempre, dahil mga kaibigan, binigyan ko ng pagkakataong magpaliwanag kung bakit. Parang thesis defense lang ang level.

Lumalabas na napagarbo ang lifestyle at hindi nila namalayang lumobo na ang kanilang utang. Inako din nila ang halos lahat ng financial responsibilities sa kanilang extended family.

Samakatuwid, ekis ang dahilan ng pagkakabaon sa utang.

Malaki naman ang kinikita nila at sigurado akong makakabayad sa akin. Ang kaso, hindi isa pang utang ang solusyon sa existing na utang.

Pagbabagong buhay ang kailangan. Ipinakita ko sa kanilang pareho lang ang epekto financially kung babayaran nila ang existing loans nila o ikoconsolidate ito sa akin.

Sabi nila, mas panatag daw ang loob nila na sa iisang tao na lang sila may pinagkakautangan at hindi sa maraming institusyon. Mas mapapadali daw ang kanilang pagbabayad.

Natatakot daw kasi silang mag-default sa mga institusyong pinagkakautangan nila. Kung sa akin, may kapanatagan.

Sabi ko naman, handa ba kayong harapin ang consequences kung hindi kayo makabayad sa akin. Ipinaliwanag kong pareho lang ang gagawin kong paniningil katulad ng mga institusyong pinagkakautangan nila.

Ipinaliwanag kong mas malaki ang risk kung sa akin sila mangungutang kasi parehong bakal na kamao ang gagamitin ko to enforce collection. Sakaling hindi sila makapagbayad, manganganib pa ang aming relasyon.

Sinabi ko din na kung mabayaran ko na ang utang nila at ma-free up ang credit line sa mga institutional creditors nila, pinagkakatiwalaan ba nila ang sarili nilang hindi i-access ang mga ito?

Pag ganito ang nangyari, may utang sila sa akin at magkakaroon pa sila ng additional na utang ulit. Mas lalala pa ang sitwasyon.

Ipinaliwanag ko sa kanilang sa palagay ko ay mas makabubuting manatili sila sa mga creditors nila ngayon at tiyagain ang unti-unting pagbabayad.

Nag-usap silang masinsinang mag-asawa at napagkasunduan nilang harapin ang kanilang pagkakamali at bayaran na lang ang kanilang loan.

Makalipas ang anim na buwan, kinausap nila akong muli at nagpasalamat dahil mas luminaw daw ang kanilang desisyon. At the end of the day nanaig ang pagtutulungan nilang mag-asawa para bayaran ang utang.

Kung hindi ko daw sila tinanggihan ay marahil hindi lalabas ang katatagan nilang mag-asawa. Masakit daw ang ma-turn down but it brought out the best in them.

I chose my friends well. šŸ™‚

 

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: