Ang kontrata ay ang pagkakaintindihan o pagkakasundo ng isa o mas marami pang tao upang tuparin ang isang kasunduan o pangako. Ito ay para protektahan ang relationship natin kaya dapat itong gamitin lalo na kung ang pinag-uusapan ay pera.
Maaaring nakasulat o hindi nakasulat ang kontrata. Para sa akin mas maigi kung ang kontrata ay nakasulat upang may dokumentong patunay nito. Hindi naman ito kinakailangang typewritten or computer-printed maari itong hand written.
Mas maganda kung ang kontrata ay naka-notaryo. Ginagawang pampublikong dokumento ng notaryo ang isang pribadong dokumento. Nangangahulugan na maaari itong gamitin at tanggapin ng korte bilang ebidensya na hindi na nangangailangan pa ng karagdagang katibayan ng pagiging tunay nito.
Gabay sa paggawa ng kontrata
Hindi sanay ang mga Pilipinong gumawa ng kontrata dahil sa lakas ng tiwala natin sa isa’t-isa ngunit ito ay nagtatagal lamang hangga’t wala pang problema.
Kinakailangang tingnan ang kontrata bilang proteksyon ng bawat isang nagkakasundo. Ang payo ko ay gumawa ng kontrata ng kasunduan o pangako habang maganda pa ang relasyon ng isa’t-isa. Sa ganitong paraan, malilinaw nang mabuti ang mga terms and conditions at responsibilidad ng bawat isa.
Upang hindi matakot ang kausap na gumawa ng kontrata, magsimula munang mag-usap at isulat nang isa-isa ang mga napagkasunduan kasama na din ang obligasyon at responsiblidad ng bawat isa. Alalahanin na ang kontrata dapat ay may benepisyo para sa lahat ng mga sumasapi nito.
Isulat ang kasunduan at kumuha ng mga witness o saksi na magpapatunay at magpapatotoo sa mga nakalagay sa kontrata. Panghuli, panatilihing bukas ang komunikasyon at huwag hayaang lumaki ang mga hindi pagkakasundo at hindi pagkakaintindihan.
Kapag sinunod ang simpleng gabay na ito, mapayapa at matiwasay ang ating pagsasama sa ating mga ka-transaksyon.
Anu po ang hinde nakasulat na kontrata? Binding pa din po ba rto if ever?