was successfully added to your cart.

Cart

Isang mabisang paraan upang matutunan ang hindi paggastos nang labis

Lahat tayo ay nagkasala na sa labis na pag-gasta. Naranasan na nating bumili ng mga bagay na sa huli ay pinagsisihan natin.

May mga panaho kasi na kapag tayo ay nagsa-shopping, pakiramdam natin ay makakamura tayo o kaya naman ay maganda ang deal na makukuha natin. Pero kapag nandiyan na, saka lang natin maiisip na sana ginamit na lang natin ang pera sa ibang bagay.

Maari sana itong naipon o mas mabuti pa ay na-invest. Para hindi gumastos nang labis, sanayin ang utak na magisip sa ganitong paraan sa susunod na ikaw ay matukso.

Isipin ang binibiling bagay sa isang kamay at ang katumbas na perang pambili nito sa kabila. Ngayon, ipagpalagay na may isang taong hindi mo kilala ang nagpapakita sa iyo ng mga ito ngunit isa lang ang iyong dapat piliin.

Kung ang pera ang iyong pinili, ibig sabihin nito ay hindi mo talaga kailangang ang bagay na nais bilhin at maaring ipagpaliban ito. Kung ang bagay na gusto mong bilhin ang siya pa ring nais, marahil ay matindi talaga ang iyong kagustihan upang magkaroon ng bagay na iyan.

Sa ganitong paraan, naeensayo ang ating talinong magisip hindi sa bagay na binibili mo kundi sa perang mawawala sa iyo.

Sana ay makatulong ito sa inyong susunod na pagbili.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: