was successfully added to your cart.

Cart

Isang mabisang paraan sa paggawa ng desisyon para makapili ng maayos na financial choice

By August 14, 2017 Financial Plan

Natututwa ako sa mga nagsusulat sa akin sa email o nagpapadala ng message sa messenger ko upang humingi ng payo sa kanilang pinagpipiliang financial choices. Minsan ang mg tanong ay praktikal at minsan naman ang mga tanong ay napaka-personal.

Ito ang mga karaniwang tanong na pinagpipiliang financial choices o life decisions:

  • Dapat pa ba akong mag-trabaho abroad o uuwi na ba ako para makapiling ang aking pamilya?
  • Bibili po ba kami ng bahay sa Pilipinas o dito sa abroad kung saan kami nakatira?
  • Uunahin ko bang magbayad ng utang o mag-save?
  • Gagamitin ko ba ang pera ko sa negosyo o ii-invest?

Ang mga katanungang ito ay nangangailangang may malalim akong kaalaman sa pagkatao at plano ng nagtatanong. Hindi kasi iisa ang tamang sagot na maibibigay dahil iba’t-iba tayo ng kagustuhan at plano sa buhay.

Kailangang customized ang sagot para siguradong aakma ito sa lifestyle o kagustuhan. Ang paraan na ginagawa ko dito ay sa pamamagitan ng cost benefit analysis.

Ang una kong ginagawa ay inililista ko kung ano advantages (benefit) and disadvantages (cost) ng bawat choices. Sa ganitong paraan pa lang ay kadalasan lumilinaw na ang sagot at dapat piliin.

Siyempre ang choice na mas maraming advantages at benefits ang parati kong pinipili.

Kung hindi sapat ang paglilista ng advantages and disadvantages, nilalagyan ko ng value ang bawat advantages at disadvantages. Ang paglalagay ng value ay maaring gawin sa pamamagitan ng ranking o peso amount.

Tapos kukunin ko ang total. Ang may pinakamalaking positive value, ang siyang mananaig.

Sana ay nakatulong ito sa inyo at magamit niyo sa paggawa ng maayos na financial decision.

vincerapisura.com


4 Comments

  • Marlyn Ballelos says:

    Thank you Sir

  • Merle Leuterio Jallorina says:

    Maraming salamat po Sir Vince sa mga infos and knowledge on how to handle our finances and how to invest in mutual fund and stocks. I am already 58yrs. old and hoping to retire after 5years. What companies can u recommend that deals with MF and stocks and can be trusted well with our hard earned income?

  • Juls says:

    Sir Vince salamat po ng marami pgbibigay kaalaman at pagaaral s paraan ng aming kinabukasan mabuhay po kayu 😍😍😍
    God bless 😍😍😍
    Julien at Allan
    OFW Fr UAE

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: