Totoong Usapan Episode 2
“Hello, Emerjon!”
“Hello, Sir Vince!”
“Welcome back to PH”
“So, ikaw baEmerjon nakapagtapos ka ba ng college?”
“Salamat sa inyong advice, sa inyong pag-push, sa tiwala ninyo sa aking kakayahan… Yes, nakapagtapos ako, last September lang. Sa prangkang pananalita, kasi nung masabi niyo sa akin —You try open university ng University of the Philippines… Inquire… etc. etc. So ginawa ko naman. So, medyo malaking pressure sa akin pero pinush ko talaga. Kasi, ganun ako na-touch ng inyong motivation pagdating sa bagay na yun, nabalikan ko yung isa sa mga pangarap ko.”
“So malaking bagay pala na may nagsasabi sa iyo na naniniwala kami sa iyo. So can you describe, while you were studying kasi custode ka, may pamilya ka, nag-aaral ka. So, papano? How were you managing your time?”
” Yan ang pinakamalaking struggle.”
“Ok..”
“Minsan aabot ako dun sa magkakaroon ng problema sa bahay kasi nape-pressure ka. eh. Imagine, you work for the whole day. Tapos merong online discussions na kailangang tapusin every week, may exams ka katulad ng traditional schools. Tapos, meron ka ring pamilya na kailangan mong pagtuunan ng pansin. Napakahirap!”
“In fairness, bago ka naging UP, naging Atenista ka muna. Lilinawin lang natin yun.So, if you were to give advice to OFWs who were not able to finish their degrees, ano yung maa-advice mo sa kanila?”
“Balikan ang pangarap nilang iyon, kasi, worth it talaga. I-review kung ano yung mga totoong purpose natin bago tayo umalis ng PIlipinas para hindi ka mabaon sa pagiging OFW.”