Maliit na social enterprise ng isang domestic worker sa Macau, na si Edelyn, nakakatulong sa mga sakada sa Negros Occidental.
Basahin ang transcription ng usapan nina sa Sir Vince and Edelyn sa ibaba.
Vince Rapisura: Hello Edelyn, kumusta ka?
Edelyn: Okay lang po, kayo po?
Vince Rapisura: Okay naman. Anong trabaho mo dito sa Macau, Edelyn?
Edelyn: Isa po akong domestic worker.
Vince Rapisura: Okay, taga saan ka sa atin?
Edelyn: Taga Sipalay, Negros Occidental po ako.
Vince Rapisura: Okay. Nalaman ko na tumutulong ka daw sa mga sakada sa inyo. Paki-explain mo nga sa amin kung ano ang sakada?
Edelyn: Ang sakada, sila yung nagtatanim ng tubo sa sugar plantation. Tapos, sila yung nagtatabas; tapos, sinasakay nila sa malaking truck; tapos dadalhin sa central para gilingin yun para maging asukal.
Vince Rapisura: So sino yung namamahala sa kanila, sa mga nagtratrabaho?
Edelyn: Yung mga haciendero.
Vince Rapisura: Yung mga haciendero, okay. So ano yung nalaman mo na pinagmulan ng iyong business na kalagayan ng mga sakada?
Edelyn: Base sa mga kwento nila na mga sakada, iyong nga, mas mahal yung bigas na kinukuha nila dun sa hacienda kaysa sa labas.
Vince Rapisura: Okay. So, magkano yung presyo ng bigas sa labas?
Edelyn: Nasa 37 depende sa market.
Vince Rapisura: Eh yung sa hacienda, magkano naman nila binebenta yun sa mga sakada?
Edelyn: 45 to 50.
Vince Rapisura: Okay, so yung Php 37 na bigas ay ibebenta na nila dun sa mga sakada at Php 45 to Php50. At gaano nila katagal yun na babayaran?
Edelyn: One week lang.
Vince Rapisura: One week lang!
Edelyn: Oo, kasi hindi naman sila maka-say “no” eh haciendero yung nagpapasahod sa kanila.. na-foforce sila.
Vince Rapisura: Kaya talagang nakatali sila. So anong solusyon yung ginawa mo, Edelyn?
Edelyn: Yung solusyon ko naglagay ako ng ilang kaban dun sa malapit sa mga sakada. Ako yung nagpapautang sa kanila nang mababang halaga.
Vince Rapisura: Okay. Nasa magkano mo binebenta sa kanila?
Edelyn: Nasa ano lang, 40 lang. Kung may dalawang piso ka, okay na yan. Huwag ka na masyadong greedy.
Vince Rapisura: Bakit mo kayang mabigay nang mas mababa?
Edelyn: Kasi naramdaman mo yung naramdaman nila. Naranasan mo yung gutom dati. Alam mo yun? Kasi may kaunting palayan ako na mapagkukunan. Tapos, kumukuha ako sa iba pag mataas yung demand nang mas mababa.
Sir Vince: Okay. Naku, Edelyn, I think, pagpapalain ka nang marami pa kasi dahil nakakatulong ka sa mga magsasaka, sa mga sakada, sa atin sa Pilipinas. At, di ba? Sinong mag-aakala na kahit na isang domestic worker ay kaya pa ring tumulong. Marami maraming salamat. Marami kaming natutunan ngayon sa inyo. So baka meron kang gustong batiin sa inyo. Mag-hi ka sa kanila.
Edelyn: Hi sa nanay ko. Love you, ‘nay! Pasaway ako dati.
Vince Rapisura: I love you too, Nanay. So iyan. Nakita po natin kung paano nakakatuling ang isang domestic worker sa mga sakada sa Negros. Sana ay matuto tayo sa kanila at sa munting bagay lang at munting paraan, nakakatulong tayo sa ating kapwa. Ako si Sir Vince at nandito tayo ngayon sa Macau, nagsasabing ang pagyaman, napag-aaralan!