Ang HENRY o High Earning Not Rich Yet ay isang kalagayan kung saan malaki ang kinikita ng isang tao pero halos walang naiipon, walang investment at walang passive income. Ito ay unang ginamit ng Forbes magazine noong 2003.
Professionals and entrepreneurs earning PhP100,000
Karaniwang mga professionals tulad ng doctor, engineer, attorney, entrepreneurs, management supervisors at iba pa ang napapabilang sa mga HENRY. Marami rin sa mga OFWs ay HENRY.
Sa aking estimate, kung ang isang tao ay kumikita ng PhP100,000 pataas kada buwan, ngunit nahirirapan pa ring pagkasyahin ang kaniyang kita para sa pang-araw-araw na gastusin, pagpapaaral, pambayad sa bahay at iba pang gastusin – maituturing siyang HENRY.
Active income makes them “rich”
“Working rich” din ang tawag sa mga HENRY sa kadahilanang hindi nila maipagpapautloy ang kanilang marangyang pamumuhay kung sila ay titigil mag-trabaho. Malaki ang kanilang kinikitang active income o kita na kailangang pagtrabahuhan.
Ibig sabihin nito, halos lahat ng kanilang kita ya napupunta sa gastos at kakaunti ang napupunta sa mga investments na maaring magbigay sa kanila ng passive income. Dahil ditto, pakiramdam pa rin ng mga HENRY na nagpapakaalipin sila sa trabaho at kayod kalabaw tulad ng mga working class.
High propensity to spend
Dahil sa kanilang malaking disposable income, madalas targetin ng mga marketing and advertising firms ang mga HENRY. Ang mga mahihina ang loob ay nahuhulog sa patibong na gumastos at isabuhay agad ang marangyang pamumuhay imbes na unahin ang pag-iipon at pag-iinvest.
Tunay na mabilis ang pagtaas ng income ng mga HENRY pero sa kasamaang palad, mas mabilis ang pagtaas ng antas ng kanilang lifestyle kaya nahihirapan silang mag-ipon at mag-invest. Isa itong patunay na hindi sapat ang pagkakaroon ng mataas na kita para yumaman. Kinakailangan din ang pagkakaroon ng commitment sa pagpapaliban ng gastos at disiplina sa pag-iipon at pag-iinvest.
Kung ikaw ay isang HENRY, hindi pa huli ang lahat may mga maari ka pang gawin upang maging lubusang yumaman. Kailangan lang na maging buo ang loob na magbagong buhay at una nang gumawa ng financial plan. (Basahin: Paano makakalampas sa pagiging HENRY)