Usapang Pera Season 3 Episode 2
Anong investments ang puwedeng masimulan sa PhP5,000? Manood at dagdagan ang listahan namin ni Atom Araull0
—
Sir Vince: Anu-ano ang mga investment options kung maliit pa ang naiipon?
Atom: Okay! Scale up tayo ng konti. Iba pa ba ang strategy for five thousand pesos?
Sir Vince: So, pag five thousand, yung unang tatlo na nabanggit ko, pwede mo ng gawin din yun. Tapos, pwede ka ring sa five thousand pesos, makapagbukas na ng mutual fund account no.
Atom: Ayun.
Sir Vince: Yung mutual fund ay katulad din yan ng UITF. Isa din itong pooled fund. Pu-pwede ka na ring magbukas ng iyong account sa stock market.
Atom: Aba! Biro mo, parang stock market ano ka na… naglalaro ka na ng stocks…
Sir Vince: Right.
Atom: Five thousand pesos lang.
Sir Vince: Oo pero sa totoo lang na Atom ‘no, naglabas na rin ako ng mga episodes at ng videos tungkol dito para sa mga nag-uumpisa pa lang sa investing, hindi ko ipinapayo na stock investing yung unang gagawin.
Atom: Tama. Medyo risky ang stock investment.
Sir Vince: At ang isa din na interesting to go to investing ‘no ay coop investing. Pero tulad ng stock investing, mataas din ang risk sa pag-iinvest sa mga kooperatiba. So, kailangang mamili. Ako, may mga exposures ako sa kooperatiba pero ginagawa ko ito scientifically kasi merong tinatawag na COOP-PESOS.
Sir Vince: Marami sa atin ang gustong yumaman agad dahil sa hirap ng buhay pero para sa akin, ang pinakamabilis pa rin na paraan sa pagyaman ay kung magdadahan-dahan.
Atom: Kaya maiging paghandaan ang ating hinaharap sa pamamagitan ng dagdag kaalaman sa pag-iipon, tamang pangungutang at pag-iinvest. Ako si Atom Araullo.
Sir Vince: Ako naman si Sir Vince nagsasabing
Sir Vince and Atom: Ang pagyaman, napag-aaralan.