Dumarami ang nagtatanong sa akin sa facebok tungkol sa Monspace. Kaya minabuti kong maglabas ng article tungkol dito.
Noong June 2, 2017 naglabas na ng advisory ang Securities and Exchange Commission (SEC) tungkol sa Monspace Philippines. Sa babala nito, sinabi ng SEC na may mga taong nagri-represent sa Monsapce dito sa Pilipinas na nanghihikayat mag-invest dito.
Ayon din sa nakalap ng SEC, magiging stockholder daw sa Monspace sa pamamagitan ng pagi-invest ng investor ng halagang PhP7,600 – PhP800 para sa registration fee at PhP6,800 para naman sa product points. Ito daw ay maaring kumita ng PhP5,000 kada araw o PhP150,000 kada buwan.
May mga senyales na ito na ito ay mapanganib na investment. Una, hindi malinaw ang produckto. Anong ibig sabihin ng product points? Pangalawa, napakataas ng pinapangakong kita. Pagatlo, hindi sila registered sa SEC para kumuha ng investments.
Sa aking pananalasiksik, nalaman ko na sa Malaysia galing ang investment scheme na ito. Maski doon ay may hinaharap na itong imbestigasyon.
Ang Bank Negara Malaysia – ang bangko sentral ng Malaysia – ay naglabas ng updated financial consumer alert list. Nangunguna dito ang Monspace. May mga alegasyon din na nagpapalaganap ng fake news ang Monspace ayon sa Malaysian Communications and Multmedia Commission.
Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang ito.
Thanks for the info Vince