was successfully added to your cart.

Cart

Investment ba ang bitcoin?

By July 23, 2017 Investments

Marahil ay narinig mo na sa media o maski sa mga kaibigan mo ang bitcoin. Nakaka-intriga ito dahil maraming nagsasabing sila ay kumita dahil sa bitcoin. Dahil dito, maraming nahihikayat na pasukin ito.

Ang bitcoin ay isang uri ng digital currency na nago-operate independent of central banks. Katulad ng Philippine Peso, pera din ang bitcoin. Pero dahil ito ay digital, hindi ito nakikita physically. Makikita lamang ito sa mga computer softwares or applications.

Dahil hindi nago-operate sa labas ng central banks ang digital currency, marami tayong hindi nalalaman at naiintindihan tungkol dito. Ito ang nagbibigay ng mataas na risk sa mga digital currencies.

Matatawag bang investment ang Bitcoin?

Para sa akin, kung hindi lubusang naiintindihan kung paano gumagana ang Bitcoin, hindi dapat itong ituring na investment. Huwag papasilaw sa mga bali-balitang malaki ang kita dito.

Madalas ang mga iyan ay nagiingay lang kapag may kita pero tahimik sa panahon na sila ay natalo o nalugi. Kung susuriin ang halaga ng Bitcoin, may mga mabilis itong pagtaas at pagbaba na siyang nagpapakita na ito ay hindi pa ganun ka-stable.

If you are investing based on this volatility, you are speculating. Para sa akin, ang spekulasyon ay hindi magandang paraan ng pagi-invest.

Marahil ang digital currencies katulad ng bitcoin ang papalit sa perang papel, ATM o credit cards na hawak natin ngayon sa hinaharap. Pero hangga’t hindi malinaw ang regulation nito, para sa akin mapanganib ang paggamit nito lalung-lalo na sa karaniwang mamamayang Filipino.

Noong January 2017, inilabas ng Bangko Central ng Pilipinas ang Circular 944 at nakasaad dito na hindi nito ini-endorso ang Bitcoin o kahit anong digital currency. Naglabas ito ng guideline para sa mga digitial or virtual currency exchanges upang hindi ito magamit sa money laundering at acts of terrorism.

Mas marami pang tried and tested investmet products tulad ng time deposits, bonds, mutual funds, UITFs at stocks na mas pagtuunan muna ng pansin dahil ito ay aprubado na ng gobyerno.

Update: July 27, 2017

Photo credit: ABS-CBN

Nabalitang may inarestong Russian ang gobyerno ng Greece dahil sa suspect siya paggamit ng Bitcoin sa money laundering. Ang halagang involved ay USD4 Billion. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit iwas ako mismo sa cryptocurrencies. Hindi pa ganon kaayos ang sistema. Basahin ang kabuuan ng article dito.

vincerapisura.com


8 Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: