was successfully added to your cart.

Cart

Insurance versus Health Maintenance Organization products

Ang Health Maintenance Organization (HMO) ay organisasyong nagbibigay o nag-aasikaso ng managed care para sa mga indibiduwal o kumpanya at tumatayong liason sa mga health care providers gaya ng doktor, ospital, atbpa., kapalit ng subscription fee.[1]

Nagiging miyembro ng HMO ang subscribers at nakatatanggap ng serbisyo mula sa network ng aprubadong doktor o ospital na mayroon ding kontrata sa HMO. Sa ganitong paraan, tumatayong middleman ang mga HMO sa pagitan ng nakontratang health care providers at enrollees sa pagbibigay ng serbisyong medical.

Nakatutulong ang HMO sa mga subscriber nito sa pamamagitan ng reduced health care cost at ang health care providers naman ay kumikita sa pamamagitan ng tiyak na client base.[2] Nahahayaang mababa ang premiums ng mga HMO dahil may advantage ang mga health providers sa pagkakaroon ng mga pasyenteng dinedirekta sa kanila, ngunit para sa mga miyembro ng HMO[3], ang mga kontratang ito ay may karagdagang restriksiyon gayong limitado lamang ito sa network at geographic coverage ng HMO.

 

Binibigyang kahulugan ng PhilHealth ang HMO bilang organisasyong nagbibigay, nag-aalok o nag-aasikaso sa sakop na designated health service na kailangan ng plan members, kapalit ng fixed prepaid premium. Pansining ginagamit ng PhilHealth ang salitang plan para tukuyin ang produkto o serbisyong ibinibigay ng HMO. Hindi ito tinatawag na insurance.

Higit na pleksibilidad sa pagpili ng mga health care provider ang ipinagkakaloob sa iyo ng health insurance products. Binibigyan ka nito ng kalayaang pumili ng doktor at ospital na pagkukunan mo ng health service.

Pupunta ka, kung gayon, sa doctor at ospital na gusto mo at babayaran ang nagastos mo dito ng insurance company. Karaniwang kahingian ng insurance products ang co-payment scheme.[1]

Nilalayong mapababa ng HMO ang presyo ng paghahatid ng health care services dahil katuwang ito ng health care providers sa pagpapataas ng outpatient care, pag-aalis sa komplikadong claim forms at procedures kapag may claim ng insurance benefits at pagbabawas ng mga di kinakailangang test.

[1] Based on http://www.inc.com/encyclopedia/health-maintenance-organizations-and-preferred-provider.html

[2] Based on https://en.wikipedia.org/wiki/Health_maintenance_organization and http://www.inc.com/encyclopedia/health-maintenance-organizations-and-preferred-provider.html

[3]http://www.inc.com/encyclopedia/health-maintenance-organizations-and-preferred-provider.html

[4] http://www.investopedia.com/terms/h/hmo.asp#ixzz3kcunPSzc

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: