Insurance terms na kailangan mong malaman at maunawaan
Technically, hinahayaan nilang bumili ng insurance policies ang mga elderly, subalit madalas prohibitive ang premiums. Sa mga Manual Benefit Association (MBAs), bago ka maging eligible para sa insurance, kailangang maging miyembro ka muna nito.
Deductible
Ang deductible ay tinatawag ding participation o co-payment sa ilang mga insurance policy. Gaya ng nabanggit na, isa ito sa mga mekanismo ng pagbabahagi ng risk, na deterrent din laban sa false claims. Malimit, mas mataas ang halaga ng piniling deductible, mas mababa rin ang extension ng insurance premium.
Sa aking karanasan, karaniwang tumataas ang halaga ng deductible sa mga car insurance habang tumatanda ang kotse.
Mahalaga ring isaalang-alang ang pre-existing conditions lalo na sa pagpili ng health insurance product. Kailangan mong tiyakin kung hindi na ito sakop sa coverage ng policy.
Napakalimitado ng mga health insurance product sa Pilipinas gayong karamihan ay nasa anyo ng Health Maintenance Organization (HMO) products. Magbibigay ako ng detalyadong pagtatapat sa dalawa sa huling bahagi ng kabanatang ito.
Pre-existing condition
Karaniwan, excluded sa mga health insurance products ang pre-existing conditions para matugunan ang adverse selection sa mga potential na costumer. Ito ang dahilan kung bakit sa kaso ng health insurance, mas mainam na kumuha ka na nito habang bata ka pa, gayong mas maliit ang posibilidad na may pre-existing conditions ka.
Sakaling may pre-existing condition ka na kahit bata ka pa, mas kaunti ito kumpara sa kung may edad ka na. Sinubukan kong ikuha ng health insurance ang mga magulang kong nasa edad 61 at 65 pero siyempre disappointed ako dahil karamihan sa kanilang health problems ngayon, gaya ng hypertension at diabetes ay kasama sa mga exclusion para sa pre-existing conditions.
Nadismaya akong bumili, pero nagbigay ng magandang dahilan ang insurance agent kung bakit kailangan ko pa ring bumili kahit na may pre-existing conditions na sila. Sabi ng insurance agent: “paano ang coverage para sa iba pang mga sakit na hindi pa pre-exisnting gaya ng ancer, asthma, o major injuries?
Covered ang mga ito sa medical insurance.” Napaisip ako sa argumento niya at nakumbinsi akong bumili ng insurance coverage para sa magulang ko. Sa US, may regulasyong nagbabawal sa perpetual pre-existing condition exclusion sa mga insurance policy mula Enero 1, 2014.
Umaasa akong titingnan din ito ng Philippine government at mag-a-adopt ng katulad na pamamaraan gayong malaking bahagi ng lipunan ang makikinabang dito.