Insurance terms na kailangan mong malaman at maunawaan

Magbabayad si Philip ng premium hanggang sa mag-edad 50 siya at hindi na kailangang magbayad ng karagdagang premium pagkatapos nito. Pagnag-edad 50 na siya, nabayaran na niya nang buo ang policy niya pero magsisimula lamang ang effectivity nito kapag nag-80 na siya, na siya namang maturity ng naturang policy.

Ang pinaka karaniwang uri ng insurance premium ay iyong binabayaran mo hangga’t nabubuhay ka. Marami ang umaayaw sa ganitong ideya ng pagbabayad ng insurance premium.

Ito ang dahilan kung bakit sa 5-15-20-60 budgeting rule, binibigyang diin ko na pangangailangang gastusin ang 5% ng budget para sa insurance premium. Kailangan ito bilang paraan ng proteksiyong pinansiyal sa kasalukuyang pagkakaayos ng mundo.

Sa ganitong payment scheme at limited-pay scheme, maaari kang pumili sa pagitan ng monthly, quarterly, semestral o annual basis. Madalas, mas mura ang taunang pagbabayad. Karaniwa’y nakatipid ka ng isa o dalawang buwang premium payment kung taunan ang pagbabayad mo.

May isa pang premium payment scheme para sa investment-linked o variable universal life insurance. Sa produktong ito, pinagbabayad ka ng premium sa simula ng policy.

Kapag maganda ang performance ng investment na naka-linked sa insurance at nababayaran nito ang insurance premium, maaari mong piliing huwag nang magbayad ng premium at sa halip, ang kita mula sa investment ang ibayad sa premium.

Base sa kasalukuyang nakikita kong projections sa merkado, aabot ito mula 10 hanggang 20 taon. Pero kung hindi kumita ang investment na naka-linked sa policy, kailangang bayaran ng policyholder ang premium o isugal ang posibilidad na mapalso ng insurance policy.

Beneficiary

May guidelines sa pagpili ng beneficiary o mga beneficiaries sa insurance policy. Sa aplikasyon ng insurance, malinaw na itala ang identitdad, designasyon o ang iyong kaugnayan sa beneficiary o beneficiaries.

Pinakamainam na kumunsulta ka sa abogado kung may estate ka para maging konsistent ang estate plan mo sa iyong insurance beneficiaries. Dapat mo ring isaalang-alang na maaaring magkaroon ng pagbabago sa sirkumstasiya ng iyong beneficiary o benefiaries gaya ng maidudulot ng pagkakaroon ng anak sa loob ng kasal o kamatayan, atbpa.